fbpx
Search
Close this search box.
philippine news

Janella Salvador, nagpasalamat sa mga nagtanggol sa kanyang ‘It’s Showtime’ remark

by Joanna Deala

IPINAGTANGGOL ng ilang netizens ang 26-year-old actress na si Janella Salvador, matapos niyang umani ng batikos dahil sa kanyang “paos ako, kayo na lang” remark nang bumisita siya sa noontime variety show na “It’s Showtime.”

Sa X (dating Twitter), sinabi ng aktres na nais niyang magpaliwanag dahil ayaw niyang magmukhang bastos o walang galang, pero hindi niya akalaing marami ang nagtatanggol sa kanya sa social media.

“Thank you. It makes me happy to know that there are many people out there who know my heart and what I stand for,” pahayag niya. “Hugs of gratitude (from behind).”

Nitong Martes, April 2, kasama ni Salvador ang Thai actor na si Win Metawin na bumisita sa programa para i-promote ang kanilang forthcoming romantic-comedy film na “Under Parallel Skies,” sa direksyon ni Sigrid Bernardo.

Bukod sa kanilang pelikula, inimbitahan na rin ni Salvador ang kanyang fans na dumalo sa kanyang 10th anniversary concert na gaganapin sa April 19 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City. 

Pinromote rin niya ang kanyang latest single na “headtone,” kaya naman humirit na rin ng “sample” ng kanta ang host na si Kim Chiu. Pero hindi na ito napagbigyan ng aktres na patawang nagsabing, “Medyo paos ako today, kayo na lang.”

“Next time, promise,” dagdag niya. Sumagot naman dito si Chiu ng, “Pakinggan na lang namin sa Spotify,” habang patuloy namang binabanggit ng ibang hosts ang kanilang spiels.

Sa “EXpecially for You” segment ng programa, nag-joke naman si Vice Ganda sa isang contestant na tumanggi ring magbigay ng “sample.” 

“Medyo paos siya ngayon, kayo na lang,” sabi ng komedyante, na tumutukoy sa naunang sinabi ni Salvador. Makikitang natawa rin ang ibang co-hosts sa biro ni Vice Ganda.

May ilang netizens ang nag-share ng clips nito sa social media, kung saan may ibang ‘nabastusan’ sa sagot ni Salvador. Pagdedepensa naman ng ilang social media users, wala naman daw mali dito at maayos naman daw ang pagkakasagot ng aktres.

Samantala, meron ding ibang fans ang pumuna sa naging joke ni Vice Ganda.

“Diko gets si Vice like after bumisita sa inyo nung tao tapos paparinggan at aanchahin mo knowing na magki-create lang ng issue,” comment ng isang netizen.

Wala pa namang pahayag ang komedyante tungkol dito.

Naintindihan naman ng fans ang kalagayan ng aktres, lalo na’t busy siya ngayon sa pag-promote ng kanyang bagong pelikula at paghahanda sa concert.

“Teh wala namang masama[ng] sinabi si Janella paos at pagod yung tao dahil sa sobrang busy sa dami ng projects nya at nagre-rehearsal din yan para sa con nya how can you say na maldita sya?” sagot ng isang netizen sa isang post sa X laban sa aktres.

Bukod sa “Under Parallel Skies” movie at 10th anniversary concert, meron pang isang bagong pelikula si Salvador kasama si Jane de Leon, na nakatrabaho niya sa 2022 version ng superhero series na “Darna,” na pinamagatang “How to be a Good Girl.”

Postponed mall shows

Samantala, inanunsyo ng Star Magic na ipagpapaliban muna ang dapat sana’y pagbisita ni Salvador ngayong Biyernes, April 5, sa SM City Pampanga at Starmall San Jose Del Monte para sa promotion ng “Under Parallel Skies.”

Ito’y dahil may “family emergency” na dapat tugunan ng aktres, ayon sa talent management arm ng ABS-CBN.

“We sincerely apologize for the inconvenience caused by this postponement,” pahayag nito.

Ibinahagi naman ni Salvador sa kanyang Instagram story na inatake ng asthma ang kanyang anak na si Jude.

“The past 48 hours have been such a nightmare but I’m positive my brave boy will bounce back stronger than ever in no time,” sabi ng aktres.

Photo courtesy: @superjanella’s Instagram stories

Humingi din siya ng pang-unawa sa fans para sa pag-postpone ng kanyang mall shows.

Photo courtesy: @superjanella’s Instagram stories

“Would have really loved to see you all at the mall shows today. Hope u understand,” saad niya.

Iaanunsyo ng 28 Squared Studios, producer ng naturang pelikula, sa kanilang social media pages ang updated schedule para sa mall tour.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter