fbpx
Search
Close this search box.

Kaila Estrada, umani ng papuri para sa kanyang ‘Can’t Buy Me Love’ performance

by Joanna Deala

TRENDING sa X (dating Twitter) ang 28-year-old actress na si Kaila Estrada matapos niyang umani ng samu’t saring papuri dahil sa kanyang natatanging pagganap sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love.”

Photo courtesy: Screenshot from X

Binigyang-buhay ni Estrada ang karakter ni Bettina Tiu, isa sa mga kapatid ng bidang si Caroline Tiu na ginagampanan naman ng aktres na si Belle Mariano. 

Umiikot ang kwento ng “Can’t Buy Me Love” kanila Caroline, anak ng isang mayamang pamilya, at ni Bingo, ginagampanan ni Donny Pangilinan, na nagsisipag para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Pinagtagpo sila ng tadhana sa kabila ng magkaiba nilang mundo.

Nag-viral ang isa sa mga eksena mula sa teleserye, kung saan ipinakita ang makapigil-hiningang pagkompronta ni Estrada sa kanyang pamilya at kanilang pagkukulang sa kanya, habang pinagbabantaan ang buhay ng kapatid na si Caroline.

“Iniintindi niyo pa yung skandalo kesa sa’kin? I needed my family to be there for me. Pero pinalayo niyo ko,” emosyonal na inihayag ni Estrada.

Humingi naman ng tawad ang kanyang pamilya at sinubukan siyang pigilang saktan ang kanyang kapatid. Nauwi ang komprontasyon sa pagbaril sa tuhod ni Estrada nang aktong sasaksakin na niya si Mariano.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa husay sa pagganap ni Estrada bilang Bettina sa teleserye.

“Grabe ka na, KAILA ESTRADA. You have proven enough as a legit actress. From Viral, to Linlang and now, Can’t Buy Me Love. Anak ka nga talaga ni Janice [De Belen] (at John [Estrada]),” comment ng isang netizen

Anak ng mga beteranong aktor at dating mag-asawang sina De Belen at Estrada ang 28-year-old na aktres, na isinilang noong March 16, 1996.

“This [episode] ate so bad. Kaila Estrada, [you] will always be my favorite nepo baby. Dare I say, she [is] a gem in the acting industry,” sabi naman ng isang online user.

May ilang netizens ding naka-relate kay Bettina at naki-simpatiya sa pinagdaraanan ng nasabing karakter.

“I couldn’t stress enough how good this confrontation was. Kaila Estrada definitely ATE this one; I couldn’t even hate her, all I see is a wounded child,” pahayag ng isang netizen.

Dagdag pa ng isang manonood sa X, “The angst got too real. Bettina as the oldest daughter always strived to be perfect, used by her parents like a pawn for money, used by men because of her status and name, on top of her trauma. Miss Kaila, not enough flowers and praises for you ma’am.”

May ilang netizens din ang pumuri sa acting skills nina Mariano at Maris Racal, na gumanap naman bilang Irene Tiu na kapatid din ni Caroline.

“Kaila at Maris nanlalamon din sa actingan,” sabi ng isang netizen.

“Infairness kay Belle, galing din ng acting. Ramdam mo yung takot niya,” hirit pa ng isa.

Nasa huling linggo na ngayon ang “Can’t Buy Me Love,” na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5. Available rin ito sa Netflix at iWantTFC.

Gratitude

Samantala, nagpasalamat naman si Estrada sa positive feedbacks na kanyang natatanggap kaugnay sa kanyang pagganap sa “Can’t Buy Me Love.”

Pinuri din niya ang aktres na si Jana Agoncillo na gumanap bilang batang Bettina.

“Also congratulations to our baby bettina, Jana Agoncillo,” ani Estrada.

Nag-react naman si Mariano sa post ni Estrada sa X.

“ALL ALONG, IT WAS YOU!!” wika ng aktres, matapos mabunyag sa teleserye kung sino ang utak sa likod ng pagkamatay ng ina ni Caroline na si Divine, na ginampanan ng aktres na si Shaina Magdayao.

“Joke mahal kita Achi,” kaagad na bawi ni Mariano. Sumagot naman dito si Estrada ng, “Love [you] my sister.”

May hiwalay na post din si Racal sa X, kung saan pabiro niyang hinikayat ang netizens na kumustahin ang kanilang mga ate.

Hindi ito ang unang beses na nag-viral si Estrada dahil sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang mga karakter. Matatandaang inulan din siya ng papuri nitong nakaraang taon dahil naman sa kanyang pag-arte sa teleseryeng “Linlang,” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman.

Isa sa nag-trending sa social media ang confrontation scene sa pagitan ni Estrada, na gumanap bilang Sylvia, at Chiu, na nagbigay-buhay kay Juliana. Ito’y dahil sa pakikiapid ni Juliana sa asawa ni Sylvia na si Alex, na ginampanan ni de Guzman.

Nag-acting debut si Estrada noong 2021 sa mystery-drama series na “Viral Scandal.”

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter