fbpx
Search
Close this search box.

Young Kapamilya stars dazzle at Star Magic Prom 2024

by Deanna Macaranas

MULING nagbalik ang Kapamilya stars para sa Star Magic Prom presenting young Kapamilya beauties and gentlemen.

Naganap kagabi lamang sa The Bellevue Manila sa Muntilupa City, ang magical event ng ‘Star Magic Prom’ ay tila nagmukhang fairytale para sa mga young Kapamilya stars. Ang theme ng ‘Star Magic Prom’ ay nakaugnay sa tema ng ‘Fairytale’ na dinisenyo ni Dave Sandoval. 

From hanging white flowers to the ceiling–down to the aisle, tables and walls, ang grand ball ay tila nagmukhang ‘mystical,’ na tunay na nagbigay ng etheral impression sa mga attendees at livestream viewers.  

Ang event ay hinost ng dynamic duo na sina Al dela Cruz at Edward Barber na nagfacilitate din ng inaugral edition na nanyari noong nakaraang taon. Sila ay sinamahan din ng talented artist na si Lance Reblando na gumanap bilang isang nilalang sa likod ng “Magic Mirror.” 

Unang makakausap ng ilang Star Magic artists ang Magic Mirror habang sila ay naglalakad pa puntang mystical forest bago makatapak sa ivory carpet.

Ang mga attendees ng Star Magic Prom ay tila mukhang mga pricesa and prinsipe sa kani-kanilang formal attire at bago natin kilalanin ang mga attendees ng event, una muna nating talakayin ang mga standout couples na naging bahagin ng Star Magic Prom 2024.

Donny Pangilinan and Belle Mariano

Kilala sila bilang ‘Gen Z phenomenal loveteam’ na mapapanod sa sikat na tv series ganya ng ‘He’s Into Her’ at ‘Can’t Buy Me Love.’ 

Habang sila ay kilala ng lahat bilang ‘DonBelle,’ sa Star Magic Prom, sila ay naging mala-prinsipe at princesa sa tema ng Disney film na “Beauty and the Beast.”

Sa ball, makikita ang actress na si Belle Mariano bilang princess Belle sa kaniyang suot na yellow dress. 

Samantala, si Donny Pangilinan naman ay nakasuot ng tuxedo nakahiwig ng suot ng beast mula sa film.

Francine Diaz and Seth Fedelin

Isa din sa mga biggest Kapamilya love team na umattend ang aktor at aktress na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na mas kilala sa tambalan na ‘FranSeth.’

Habang chinanel ni Seth Fedelin ang kaniyang inner Elvis sa pamamagitan ng pagsuot ng Napoleon-collared white vest and white pants, nag ala Cinderella naman si Francine sa kaniyang blue gown.

Alexa Ilacad and KD Estrada

Mala-fierce naman ang entrance ng tambalang Alexa Ilacad at KD Estrada sa runaway.

Suot ang shiny and sparkly dres with her long way red hair, nagmukha mermaid of your ethereal dreams ang aktres na si Alexa Ilacad. 

Samantala, si KD Estrada naman ay naging heartstealer sa kaniyang dark blue suit.

Maris Racal and Anthony Jennings

Hindi din nagpahuli ang isa pang “Can’t Buy Me Love” tandem na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Nagmukhang elegante ang aktresss na si Maris Racal sa kaniyang two-piece baby blue dress.

Samantala, hindi lamang isang simple black suit ang suot ng aktor na si Anthony Jennings dahil meron itong pasabog na crystal embroidery na nakasabit sa kaniyang sleeves at neckline.

Criza Taa and Harvey Bautista

Simple but Elegant naman ang naging entrance ng Zommers lead stars na sina Criza Tan at Harvey Bautista.

Stunningly beautiful sa kaniyang shimmering ball gown with plunging halter neckline ang naging OOTD ng aktres na si Criza Tan. Ito’y tinapatan naman ni Harvey Bautista sa kaniyang prince-inspired emerald raiment with golden linings. 

Xyriel Manabat and Zaijan Jaranilla

Naging attendees din ng Star Magic Prom ang mga former child stars na sina Xyriel Manabat at Zaijan Jaranilla. 

Habang isinlay ni Xyriel Manabat ang kaniyang multi-colored sparkly gown, ito naman ay pinartneran ni Zaijan Jaranilla ng sepia-toned suit. 

Kaori Oinuma and Jeremiah Lisbo

Fiery red naman nag naging pasabog ng tambalang Kaori Oninuma at Jeremiah Lisbo. 

Suot ang scarlet evening gown with off-shoulders bell sleeves, literal na mapapawow ka sa attire ng aktres na si Kaori Oninuma. Mala James Bond naman ang itsura ng kadate ni Kaori na si Jeremiah Lisbo sa kaniyag white blazer matched with black bow tie. 

Hadiyah Santos and Luis Vera Perez

Kasama din sa attendees ang kapatid ng OPM artist Erik Santos ang kaniyang kapatid na si Hadiyah Santos kasama ang kaniyang prom date na si Luis Vera Perez.

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils

All-white suit with black embellishment ang suot ni Luis Vera Perez, samantala si Hadiyah Santos naman ay nakasuot ng lilac crystal-studded gown. 

Hindi naman magpapahuli ang mga artist na dumalo ng event ng solo. 

Solo man dumating ang ilang young Kapamilya artist—ipinakita naman nila na kayang-kaya nilang ‘magshine bright’ kahit walang kasamang partner sa naturang event.     

Nagradiate ng charm and confidence ang mga single ladies sa ivory carpet, kabilang na dito ang mga artists na sina: 

Anji Salvacion  

Naging enchanter ang actress na si Anji Salvacion sa kaniyang crystal-studded dress. Si Anji Salvacion ay mas kilala bilang winner ng tenth season ng Pinoy Big Brother. 

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils 

Karina Bautista  

Sa kaniyang forest green evening gown with an accent neckline and asymmetrical cut-outs, inangkin nng actress na si Karina Bautista ang runway sa kaniyang attire.  

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils 

Dalia Verde 

Suot ang kaniyang sophisticated and vibrant night gown, naging show-stopper ang actress na si Dalia Verde. Ang actress ay mas kilala bilang ‘Kimeniah Gozon’ sa teen TV series na ‘He’s into her.’ 

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils  

Ashley Del Mundo  

Stunning and elegant naman ang naging aura ng actress na si Ashley Del Mundo sa kaniyang sheer- beige dress. Siya ay mas kilala din bilang ‘Khloe Gomez’ sa isang teen TV series na ‘He’s Into Her.’ 

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils  

Krystal Brimmer 

Masasabing Etheral dream naman ang gown ng musical artist na si Krystal Brimmer na nagslay sa kanyang blue gradient flower petals gown. 

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils  

Hindi din magpapahuli ang magentlemen na nagpatinag sa mga attendees at viewers dahil sa charm at confidence na kanilang dala. 

Edward Barber  

Kabilang sa Star Magic Prom attendees ang aktor na si Edward Barber na gumawa ng memorable appearance sa paghohost ng event habang suot ang kaniyang etheral peach blazer with white floral embroidery. 

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils 

Miggy Jimenez 

Dumalo din nag Senior High star na si Miggy Jimenez na suot ang kaniyang simpy but elegant na power-blue co-ordinates suit. 

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils

Yce Navarro 

Kasama din sa Star Magic Prom ang anak ni Vhong Navarro na si Yce Navarro na kasalukyang inuukit ang kaniyang pangalan sa industriya. Tila mukhang mala-prinsipe ang kaniyang appearance sa kaniyang attire. 

Courtesy: instagram.com / @starmagicphils

.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter