fbpx
Search
Close this search box.

Yakapan nina Julia Barretto, Bea Alonzo, viral

by Joanna Deala

TRENDING ngayon sa social media ang pag-uusap nina Julia Barretto at Bea Alonzo sa isang party.

Dumalo ang dalawang aktres sa tribute party para kay star builder Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M.

Sa video na shinare ng netizens, makikitang hawak pa ni Julia ang kamay ni Bea habang may ibinubulong siya sa aktres. Makikita ring nagtatawanan ang dalawa habang nag-uusap.

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizen. Ang ilan, natuwang makitang nagkaayos na ang dalawang aktres, pero may ibang hindi kumbinsidong wala nang alitan sa pagitan ng dalawa.

“Good to see them na okay na sila,” comment ng isang netizen sa X (dating Twitter).

Pero pabirong sabi naman ng isang social media user, “I smell some plastican here.”

“I’m wondering if may [awkwardness] silang dalawa before sila mag in-game sa [ganyan],” dagdag niya.

Relationship controversy

Taong 2019 nang magsimula ang gusot kina Julia at Bea. Dating nobyo ni Bea si Gerald Anderson, na ngayo’y kasintahan na ni Julia. 

Sa July 2019 caption ni  Bea sa kanyang Instagram account mababasa ang tila isang cryptic message, “‘You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice.’ ENOUGH” 

Noong panahong ito, usap-usapan na ang umano’y pagkakamabutihan ni Gerald at ni Julia nang kapwa bumida sa 2019 romance film na “Between Maybes” habang sila pa ni Bea.

Noong buwan ding iyon nilinaw ni Bea ang real deal sa pagitan niya at ni Gerald at sinabing ghosted siya o bigla na lang siyang hindi kinausap ng kanyang dating nobyo.

“Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” ani Bea.

Inakusahan si Julia ng umano’y third party sa hiwalayang Bea at Gerald. 

Pero itinanggi ng aktres, na kakahiwalay lang din noon sa kanyang dating nobyo na si Joshua Garcia, ang mga alegasyon.

“I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their breakup. I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own,” sabi ni Julia sa kanyang now-deleted Instagram post.

Nilinaw din niyang walang third party factor sa hiwalayan nila ni Joshua.

Direktang sinabihan ni Julia si Bea sa kanyang post na sinabing, “You wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU.”

Taong 2021 kinumpirma ni Gerald na officially dating na sila ni Julia. 

Sa taong ding iyon kinumpirma ni Bea na dating na rin sila ni Dominic Roque hanggang sa nauwi sa isang relasyon at napipinto nang ikasal. Pero nitong February 2024, kinumpirma nina Bea at Dominic na pareho nilang napagdesisyunang tuldukan ang kanilang engagement.

JoshLia reunion

Samantala, may moment din si  Julia at ang dating nobyo na si Joshua sa tribute party.

Sa isang TikTok video na ibinahagi ng isang netizen, makikitang binati ni Joshua si Julia matapos kausapin ng aktres si dating ABS-CBN chief executive officer Charo Santos-Concio. Nag-share rin ng hug sina Joshua at Julia, na dating kilala bilang JoshLia.

Nag-pose din para sa isang picture sina Julia, Joshua, at Charo.

@phobe.kate

JoshLia Reunion! Nightof100Stars MrM JohnnyManahan JoshuaGarcia JuliaBarretto

♬ original sound – phobekate – phobekate

Natapos ang dalawang taong relasyon nina Julia at Joshua noon ding 2019.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter