fbpx
Search
Close this search box.

Sirang sapatos, hindi hadlang para makapasok sa Palarong Pambansa

by Bryan Gadingan

ISANG nakamamanghang performance ang ipinamalas ni Lorenz Datiles ng Santo Tomas, Davao del Norte, na humakot ng limang gintong medalya sa Davao Regional Athletic Association Meet nitong April.

Didiretso si Datiles sa Palarong Pambansa matapos nitong iuwi ang ginto sa 100-meter, 200-meter, 400-meter, 4×100 meter, at 4×400-meter relay events, ayon sa Facebook post ng DepEd Region XI.

Nagtagumpay ang 17-year-old student athlete at kanyang teammates kahit hindi maayos ang suot nilang sapatos.

Spike shoes ang ginagamit ng mga atletang tulad ni Datiles, pero ang suot-suot niya ay nakatahi at naka-glue na lamang para magamit pa rin niya. Ganito rin ang sitwasyon ng iba pa niyang teammates.

“Tinatahi din namin pag nasisira. Bumibili kami ng pandikit, magaambag-ambagan kami,” ibinahagi ni Datiles sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong April 21.

Photo Courtesy: Lorenz Datiles | Facebook

Hindi niya hinayaang maging hadlang ang sirang sapatos upang makamit niya ang mithiin na maiuwi ang panalo sa kompetisyon. Para sa kanya, maaasahan pa rin kahit hindi na maayos ang kondisyon ng sapatos niya.

“Sobrang gaan kasi. Para akong lumilipad ‘pag ito ‘yung gamit,” paliwanag ni Datiles  kung bakit ayaw niya pa itong pakawalan. “Nasanay na ‘yung paa mo. Parang mahirap siyang ilayo.”

Patuloy na mangangarap si Datiles, habang suot-suot ang sapatos na ito na para sa kanya ay katuwang niya sa ipinapamalas niyang performance.

“Malayo pa pero malayo na ako sa dating ako,” sabi niya. “Marami pang kakaining bigas… Baka soon ako na din yung makapunta dun sa Olympics, baka palarin.”

Suportahan natin ang mga atleta

Aminado naman ang local government unit ng Davao del Norte na maaaring may pagkukulang, ngunit ibinigay pa rin nila ang tamang suporta sa kanilang mga atleta.

“Tanggap natin na may kulang, obviously yung sa sapatos. Pero ‘yung DepEd, maging yung LGU, malaki rin ang naibigay na tulong,” sabi mi Giovanni Gulanes, ang Sports Director ng Davao del Norte.

“Meron tayong magandang rubberized sports complex, kung saan every so often nandito sila upang magsanay. Sa bahagi ng province ng Davao del Norte, sinagot po ng probinsya ‘yung kanilang uniporme, sapatos, pagkain, transportation, vitamins, insurance.”

Photo Courtesy: Lorenz Datiles | Facebook

“Ang usaping pondo sa sports kailanman hindi naging sapat. Kasi hindi naman natin kayang makipag-compete sa budget sa agrikultura, sa imprastraktura, sa health. Ang sports ay parating nasa second,” idinagdag niya. 

Ibinahagi naman ng Davao del Norte track and field coach Beverly Villarino na siya ay personal na nag-loan ng P20,000 para masuportahan si Datiles at mga kasama pang atleta.

“May kakulangan pero sa ibang banda naman hindi ko pwede sabihin na walang suporta po yung LGU especially sa DepEd. ‘Yung bud7`7get lang kasi limitado.”

Nakatanggap naman ng bagong sapatos at training equipment si Datiles mula sa kanyang dating teacher at coach na si Claire Mahilum, at kay Davao Sneaker House Oliver Montero dahil sa panalo.

Bukod sa pag-qualify sa Palarong Pambansa, napili rin si Datiles bilang miyembro ng national team na lalaban sa ASEAN School Games sa Vietnam, ngayong taon.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter