fbpx

SB19, nominado sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards

by Joanna Deala

MAY panibagong international nomination ang P-pop boy group na SB19.

Nominado ang boy group—na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin—para sa “Favourite Asian Act” sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards (KCAs) ngayong taon.

Kasama ng SB19 na nominado sa kategoryang ito ay ang Japanese girl group na NiziU, Indonesian singer Tiara Andini, Malaysian singer Iman Troye, at fourth generation K-pop boy group Enhypen.

Photo courtesy: Screenshot from Kids’ Choice Awards 2024’s website

Ang KCAs ay isang annual American children’s awards ceremony ng television channel na Nickelodeon, kung saan kinikilala ang mga natatanging talento sa larangan ng pelikula, telebisyon, musika, at marami pang iba.

Ang mananalo ay ibabase sa voter preferences, ayon sa website ng KCAs.

Gaganapin ang Nickelodeon KCAs 2024 sa July 13, na iho-host nina SpongeBob Squarepants (boses ni Tom Kenny) at ni Patrick Star (boses ni Bill Fagerbakke).

Sa X (dating Twitter), bumuhos ang suporta ng fans ng SB19, o mas kilala bilang A’tin, para sa kanilang mga idolo.

Karamihan sa kanila ay hinihikayat ang kapwa nila A’tin para iboto ang phenomenal quintet. 

Meron na nga rin edited clip si Stell na pinaliguan ng slime. Isa kasi sa highlights ng event ang pagbuhos ng slime sa celebrities.

Hindi ito ang unang international nomination ng SB19 ngayong taon. Nitong Abril, naging nominado ang P-pop sensation bilang “International Group/Duo of the Year” sa SEC Awards 2024 sa Brazil.

Noong 2021, naging kaisa-isang Filipino nominee ang SB19 sa MTV Europe Music Awards para sa Best Southeast Asia Act category.

Bago ang kanilang international nomination sa KCAs, naglabas ng dalawang bagong kanta ang SB19 na pinamagatang “Moonlight” at “Ready.”

Collaboration song ng grupo ang “Moonlight” kanila US-based DJ Ian Asher at Chinese electronic producer Terry Zhong. Nakipagsanib-pwersa rin sila kay Filipino-American hip-hop superstar Apl.de.Ap para sa club anthem na “Ready.”

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.