fbpx
Search
Close this search box.

SB19 member Justin, ipinasilip ang debut solo single na ‘Surreal’

by Joanna Deala

ATTENTION, A’TIN! May sorpresa para sa inyo ang SB19 member na si Justin de Dios.

Sa X (dating Twitter), ginulat ng pinakabatang miyembro ng P-pop boy group ang kanilang fans nang ilabas niya ang cinematic teaser ng kanyang debut solo single na “Surreal.”

“When one sees light with eyes closed, then your heart has found its purpose,” sabi ni Justin sa kanyang post.

Sa 1 minute and 16 second video, makikita si Justin na nag-e-explore sa gubat nang matagpuan niya ang isang misteryosong maskara.

May voice over din ang SB19 member sa teaser.

“Isa ba tong panaginip? May nakapagsabi sa’kin na madalas daw akong mamuhay sa sarili kong imahinasyon,” sabi niya.

“Ano ba’ng magagawa kung ang natira na lamang sa akin ay alaala, pangako, at buhay,” dagdag niya.

Ire-release ang “Surreal” sa February 29.

Si Justin ang latest SB19 member na magso-solo debut, kasunod nina Pablo, Josh Cullen, at Ken na kilala rin bilang Felip.

Matatandaan na masayang sinabi ni Justin ang surprise announcement kasunod ng kanyang song cover ng “Sunday Morning” na kanta ng American pop rock band Maroon 5 nitong nakaraang buwan.

Gumawa rin ng ingay sa X si Justin nang i-cover niya ang hit song ng Baguio-based band Cup of Joe na “Sagada.” Ibinahagi din ng vocalist ng banda na si Gian Bernardino ang short cover ni Justin.

Ang SB19 vocalist ang tumatayong creative director ng boy group. Siya ang nag-direct ng ilan sa kanilang music videos tulad ng “WHAT?” “WYAT” at “Hanggang sa Huli,” pati na rin ang kanilang “Back In The Zone” concert.

SB19 members, A’TIN react

Supportive naman ang ibang members ng SB19 sa soloist era ng kanila bunso.

Ni-repost sa X ng SB19 leader na si Pablo ang “Surreal” teaser at pinuri ito.

Nag-react din sa video si Josh.

Marami ring fans ang proud na proud kay Justin.

It’s very evident that [Justin] has the ability to conceptualise and produce top notch MVs/designs/drawings etc. BUT THIS ONE???? trailer pa lang ito ha!!!” saad ng isang fan.

Sabi naman ng isang netizen, “This is so artsy & beautiful, I can’t wait to step into the world he’s created.”

Hinangaan rin ng isang A’TIN ang creative mind ni Justin at sinabing, “There is a whole universe inside your beautiful creative mind, and how lucky are we to be able to get a glimpse of it?”

Syempre, hindi rin mawawala ang excited fans na naging emosyonal nang ilabas ang “Surreal” teaser.

“Ang ganda ganda ganda. Ily, direk! ‘Di ako natigil umiyak. Mahal kita Justin! So excited for you,” comment ng isang fan.

Sabi rin ng isang X user, “Everything is surreal until now. Finally, the long wait is over. Soloist Justin is here!”

SUPPORT REPUBLICASIA
TikTok star Mathilda Airlines, the new queer voice for the people