fbpx
Search
Close this search box.

Bianca Bustamante, podium finish sa F1 Academy 2024

by Bryan Gadingan

NASUNGKIT ni Filipina racer Bianca Bustamante ang kanyang kauna-unahang podium finish sa F1 Academy 2024 season nang matapos niya ang round 2 bilang P2 sa Miami, Florida sa US. 

Bagamat nagsimulang mabagal ang kanyang kampanya noong unang race, siniguro ni Bustamante na tatapusin niya ang linggong ito ng matagumpay, at mabigay ang unang podium apperance ng McLaren.

Ang 19-year-old Pinay racer ay sinimulan ang race ng P2, o pangalawa sa paligsahan, hanggang sa matapos na niya ang race. Si Alphine-supported racer at championship leader na si Abbi Pulling ang nagtagumpay.

Si Bustamante, na McLaren development driver, ay mahusay na nadepensahan ang ilang ulit na pagsubok na unahan siya ng Mercedes-sponsored racer na si Doriane Pin, na nagtapos naman bilang P3.

Ilang beses nailapit ni Pin ang gap laban sa Filipino pride racer, lalo na noong ika-13-lap race, ang huling lap ng tournament. Ngunit matagumpay naman itong natapatan ni Bustamante.

Dala ito ng momentum na mayroon si Bustamante galing sa kanyang mga naunang race. Higit na ganado rin ang racer matapos nitong mag-P9 noong nakaraang tournament kung saan 18 points lamang siya nang magtapos.

“Finally, we were able to convert our pace into a trophy that I’ll celebrate with the rest of my team so this one’s for all of you. And I wanna thank everyone that has been supporting. Laban, Pilipinas!” sabi niya sa isang Instagram story. 

Umangat din ang kanyang driver standings sa 5th place mula 7th place noong Race 1. Sa kasalukuyan, si Bustamante ay mayroong 39 points sa loob ng dalawang round ng seven-round F1 Academy 2024 tournament.

Si Bustamante ang kauna-unahang Filipina race driver na nakuha sa McLaren Development Program noong October, 2023. Kaya naman malaking bagay para sa kanya ang unang panalo na ito.

Sa ngayon, ipadiriwang muna ng Filipina racer ang kanyang malaking panalo dahil ang ikatlong race naman ay gaganapin pa pagdating ng June mula 21-23 sa Barcelona, Spain. 

Nagpasalamat din si Bustamante sa bawat indibidwal na nakasama niya sa kanyang journey ng paghahanda para sa round 2 ng F1 Academy 2024 season.

“Just absolutely speechless. Such a high. An amazing weekend for the team @mclaren! Our very first @f1academy podium is finally a reality, mega thank you to @artgp_official for an amazing car. They were faultless this weekend, so much more to work and show for the rest of the season. Let’s keep growing,” sabi ni Bustamante.

“And of course @landonorris first ever win. Can’t believe I got to experience it in person and live this amazing moment with my papaya family. This has been the best day of my life so far. Thank you to everyone! Forever Forward.”

Asahan na higit pang paghuhusayan ng Filipina racer ang kanyang kampanya, at bigyan ng pagkakakilanlan ang ating bansa sa larangan ng racing.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter