fbpx
Search
Close this search box.

NGCP: Yellow alert sa Luzon, Visayas grid

by Kiko Cueto

NANANATILING manipis ang supply ng kuryente sa Luzon at Visayas, kaya’t kailangan na ilagay ito sa yellow alert status simula 1 p.m. hanggang 11 p.m ngayong araw.

Ayon sa ulat, hanggang 11 p.m. ito tatagal sa Luzon habang hanggang 10 p.m. sa Visayas.

Ang nasabing yellow alert ay alinsunod na rin pagpalya ng 18 planta sa Luzon. 

Mayroon naman tatlong planta na umaandar sa mas mababang kapasidad. 

Sinabi naman ng NGCP na sa bahagi ng Visayas, 13 planta ang sinasabing pumalya at limang naman ang nag-ooperate sa mas mababang kapasidad.

Dagdag ng NGCP, nakataas ang yellow alert kung manipis ang reserba ng kuryente.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter