fbpx
Search
Close this search box.
Philippines news

NewJeans, tuloy pa rin sa activities sa kabila ng HYBE-ADOR conflict

by Joanna Deala

SINIGURO ng South Korean entertainment company na HYBE na hindi maaapektuhan ng ongoing conflict nito sa sub-label na ADOR ang mga aktibidad ng fifth generation girl group na NewJeans.

Sa isang pahayag na isinalin sa Ingles ng entertainment news website na Soompi, sinabi ng HYBE na tuloy ang activities na nakalinya para sa K-pop idols, kabilang na ang upcoming double single na nakatakdang i-release sa May 24.

“Our company is committed to doing its best to ensure that NewJeans’ comeback activities are not hindered,” sabi ng kompanya.

Naglabas na ang NewJeans ng photo teasers para sa kanilang pagbabalik sa K-pop scene. Dalawang bagong kanta ang inaasahang ilalabas ng K-pop idols sa susunod na buwan: ang “How Sweet” at “Bubble Gum.” Mayroon ding instrumental version ang bawat kanta.

Magkakaroon din ang NewJeans ng official Japanese debut sa June 21 kapag inilabas na ang dalawa pa nitong bagong kanta: ang “Supernatural” at “Right Now,” na pareho ring may instrumental version.

Nagbabala rin ang HYBE na kakasuhan nito ang sinumang gumagawa ng umanong “malicious posts” laban sa NewJeans.

“Our company has been consistently taking legal action regarding NewJeans, but we have decided to appoint an additional law firm for the protection of the artists’ rights as we judge that the malicious acts against the members have reached a severe level,” pahayag nito.

Bukod dito, susuportahan din daw ng ahensya ang “psychological healing” at “emotional stability” ng kanilang artists.

Naglabas ng pahayag ang HYBE sa gitna ng alitan nito kay Min Hee-jin, ang chief executive officer ng ADOR na bumuo sa NewJeans. Inakusahan si Min na plano umano niyang ihiwalay ang subsidiary label mula sa HYBE. Ayon sa mga ulat ng Korean news outlets, 80 percent ng shares sa ADOR ay pagmamay-ari ng HYBE.

Pero pinabulaanan naman ni Min ang akusasyon laban sa kanya at sinabing wala siyang interes na kontrolin ang kompanya.

Ayon sa mga ulat, sinampahan na ng kaso ng HYBE si Min dahil sa umanong breach of trust.

About NewJeans

Taong 2022 nang mag-official debut ang NewJeans sa Korean music industry nang ilabas nila ang kantang “Attention.” Binubuo ang grupo nina Minji, Hanni, Danielle, Haerin, at Hyein.

Kinalaunan ay naging chart-topping ang grupo dahil sa kanilang hit songs tulad ng “Hype Boy,” “OMG,” “Ditto,” at “Super Shy.” 

Dahil sa kanilang global success, natanggap ng NewJeans ang Top Global K-pop Artist award sa Billboard Music Awards noong November 2023, at nito lamang Enero, kinilala ito bilang Group of the Year sa 2024 Billboard Women In Music Awards.

Unang bumisita ang NewJeans sa Pilipinas nang dumalo ito sa Asia Artist Awards (AAA) nitong December 2023 sa Philippine Arena sa Bulacan, kung saan naiuwi nito ang dalawang grand prizes na Singer of the Year at Song of the Year para sa kantang “Ditto.”

Napanalunan din ng grupo ang Hot Trend award, Asia Celebrity award, Best Choice award, at Fabulous award.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter