fbpx
Search
Close this search box.
philippine news

NCAA volleyball nagbabalik aksyon!

by Bryan Gadingan

ANG National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99 ay nagbabalik aksyon matapos magbukas ang panibagong season para sa volleyball noong Linggo, April 7, 2024, sa Filoil EcoOil Centre, San Juan.

Photo Courtesy: NCAA Philippines | Facebook

Sinimulan ng Emilio Aguinaldo College men’s volleyball team ang mainit na laro sa pagbubukas ng panibagong season matapos nitong talunin ang De La Salle-College of Saint Benilde 3-2. 

Pinangunahan nina opposite hitter Jan Abor at beteranong open spiker na si Marvin Romero ang opensa ng Generals, at binitbit ito sa kanilang unang panalo.

Pagkatapos ng opening ceremony, ibinawi naman ng defending champions na Lady Blazers sa Lady Generals ang pagkatalo ng kanilang men’s volleyball team. 

Isang dominanteng sweep ang ibinuhos ng Lady Blazers sa kanilang laban kontra Lady Generals upang simulan ang kanilang 3-peat aspirations, 25-15, 25-14, 25-23. 

Photo Courtesy: NCAA Philippines | Facebook

Pinangunahan sila ni Mich Gamit, na nagtala ng 10 points sa kanilang laban. Sinundan naman ito nina Jade Gentapa at Gayle Pascual na nagdagdag ng tig-8 points.

Sinundan naman ito ng isa na namang sweep na panalo, matapos talunin ng semifinalists na University of Perpetual Help System DALTA 25-14, 25-14, 25-21, ang Jose Rizal University.

Si reigning MVP Mary Rhose Dapol at sophomore star Shaila Omipon ang nanguna para sa Lady Altas na nagtala ng 16 at 15 points, ayon sa pagkakabanggit.

Photo Courtesy: NCAA Philippines | Facebook

Para naman sa huling laro, ang defending champions ng men’s volleyball tournament na UPHSD Altas ay sinimulan ang kanilang four-peat drive ng isang mabigat na 3-0 na panalo kontra JRU Heavy Bombers.

Walang iba kung hindi si Louie Ramirez, reigning MVP, ang nanguna sa isang all-around performance na nagtala ng 17 points, kabilang na ang six digs, at seven excellent receptions. 

Ang mga susunod na mga laro ay maaabangan tuwing 2:30PM ng Martes, Miyerkules, at Biyernes. Habang ang mga laro tuwing Sabado ay 9:30AM at 2:30PM, at 12:00NN naman tuwing Linggo.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter