fbpx
Search
Close this search box.

Michelle Dee, nagpa-tattoo kay Apo Whang-Od; sinayaw ang ‘Pantropiko’

by Joanna Deala

TUMUNGO si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa Buscalan para bisitahin si Apo Whang-Od, ang legendary “mambabatok” mula Kalinga na inspirasyon niya sa kanyang gown sa 72nd Miss Universe 2023 pageant.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, ibinahagi ni Dee ang proseso ng tradisyunal na pagbabatok sa kanya ni Whang-Od, ang signature three-dots tattoo. Maihahalintulad ang tattoo sa elipsis na sumisimbolo kay Whang-Od at sa kanyang apprentices sa pagbabatok.

“Finally!!” sabi ni Dee sa caption. 

“Grateful for my team for making this trip with me. What an amazing way to start the month of May and my final days as your reigning queen,” dagdag niya.

Nagbigay-pugay si Dee kay Whang-Od sa pamamagitan ng evening gown na sinuot niya sa coronation night ng Miss Universe 2023 competition. Ang black evening gown na dinisenyo ni Mark Bumgarner ay may intricate patterns na maihahalintulad sa indigenous tattoo art ng Kalinga.

Si Whang-Od din ang inspirasyon sa isa pang gown ni Dee sa kanyang grand homecoming parade noong Nobyembre. Isa itong Kalinga tattoo-designed sheer top na nakapailalim sa kanyang white sleeveless jumpsuit.

Nitong Pebrero, nagbigay-pugay muli si Dee sa traditional Kalinga tattooist sa panibagong Whang-Od-inspired ensemble ng tradisyunal na Kalinga tattoo patterns. Ito’y nang ipagdiwang ni Whang-Od ang kanyang 107th birthday.

Para kay Dee, si Whang-Od ay isang “symbol of cultural preservation.” 

Pinarangalan si Whang-Od ng Presidential Medal of Merit at tinawag na “national treasure” ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa kanyang kontribusyon sa mayamang kultura ng bansa.

Apo Whang-Od with President Ferdinand Marcos, Jr. Photo courtesy: Presidential Communications Office

‘Pantropiko’ challenge

Kinagigiliwan din ngayon ng netizens ang video ni Dee sa TikTok kung saan makikita siyang sinasayaw ang “Pantropiko,” ang hit summer song ng P-pop girl group na BINI.

“Umabot hanggang dulo!” saad ni Dee sa caption.

Pinuri naman ng ilang online users ang dance skills ng beauty queen at binirong siya ang pang-siyam na miyembro ng eight-member girl group.

“Yung isang lost member ng BINI natagpuan sa Buscalan, Kalinga Philippines nagtuturo,” comment ng isang netizen.

“Baka main dancer MMD ‘yan, Sheena is shaking,” biro naman ng isa.

“Si bini_michelle pala ‘to eh. Next naman po yung ‘Salamin, Salamin,’” hirit pa ng isang TikTok user.

Sa May 22 na nakatakdang koronahan ni Dee ang susunod na Miss Universe Philippines na kakatawan sa bansa sa Miss Universe 2024 competition sa Mexico. Sa SM Mall of Asia Arena gaganapin ang coronation night, kung saan sina Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at Kapuso actor Alden Richards ang magsisilbing hosts.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter