fbpx
Search
Close this search box.

Mga Pinoy, napahanga ang mga judge sa AGT: All Star 2023 edition

by Athena Yap

MULING itinaas ng mga Pinoy ang bandera ng Pilipinas sa pagpapakitang gilas ng kanilang talento sa America’s Got Talent: All Star 2023 edition.

Ipinamalas ng Power Duo na sina An Jeaneth Portales at Gervin Minor ang kanilang talento sa acrobat at aerial dancing, samantalang nagbalik entablado naman ang labing-isang-anyos na season 16 semi-finalist na si Peter Rosalita.

Kapwa nasa trending spot ng YouTube ang mga Pinoy pride na sina Anj, Gervin at Peter. Si Peter ay nasa pang-15 habang nasa pang-17 naman ang Power Duo.

Power Duo

Hindi maitatanggi ang chemistry ni Portales at Minor sa pagsayaw ng “You Are The Reason” ni Calum Scott sa entablado. Maging ang host na si Terry Crew at mga hurado na sina Simon Cowell, Howie Mandel at Heidi Klum ay naramdaman ang sinseridad at emosyon na ipinapahayag ng kanilang pag tanghal.

Napansin man ni Howie na tila nagkaroon ng error sa kanilang sayaw habang nasa ere si Portales, hindi naging hadlang ito para maka-siguro ng spot sa finals.

“You saw it, we all saw it, it doesn’t matter because you guys are great and it is so beautiful to watch two people that are in love and they do something beautiful together,” mensahe naman ni Heidi sa real-life couple dancers.

Power Duo in Pilipinas Got Talent

Unang tumatak ang performance nina Anj at Gervin sa Pilipinas Got Talent Season 5 noong 2016.

Pagtapak palang nila ng entablado ay dama na agad ng mga hurado na sina Freddie Garcia, Angel Locsin, Vice Ganda at Robin Padilla ang chemistry ng dalawa.

Pinaramdam ng Power Duo ang passion sa pagmamahalan sa pamamagitan ng kanilang pagsayaw ng “On The Wings of Love.”

Mas naging remarkable ang performance nila nang mag tapat sila sa isa’t isa ng damdamin matapos sumayaw.

Hindi na ito pinalampas ni Robin Padilla at pinindot na agad ang golden buzzer para maipasok sila sa semi-finals.

Sumali na rin sila noong 2019 sa Asia’s Got Talent at nanalong third-runner up.

Noong 2021, nakapag tapos ng pag-aaral ang dalawa at ikinasal din at ngayon ay may isa na silang anak.

Peter Rosalita

Sa murang edad, hindi maitatanggi ang taas ng pangarap ng 11-anyos Pinoy kid na si Peter Rosalita.

Tila mas naging palaban ang pagtatanghal ni Rosalita ngayon at ang napili niyang masterpiece ay ang kantang “I Can Go The Distance” ni Michael Bolton. 

Kapansin-pansin din ang smart-formal na pormahan ni Rosalita na mas nakadagdag sa angas ng kanyang performance.

“Good to see you again, still one of the best dressed-men in showbiz,” komento ni Heidi kay Rosalita.

Peter’s Dream

Nang tanungin naman ni Cowell ang batang singer kung ano ang layunin ng kanyang pagbalik at ano ang pangarap niya, agad sumagot si Rosalita at sinabing pangarap niya maging “international singer and have my own album.”

Pagkatapos ng kanyang maka-tindig balahibong performance, ibinida naman niya ang larawan ng cute niyang aso na nakuha matapos ang unang pagtanghal sa AGT.

Aminado man ang batang pinoy na siya ay kabado sa kanyang pagbabalik at nakararamdam ng kaunting sakit sa lalamunan, naabot pa rin niya ang mga matataas na tono ng kanta, dahilan para lalong hangaan ng mga hurado.

Biniro naman ni Howie si Rosalita na lumayo nang kaunti matapos malaman na may nararamdamang sore-throat, pero hinahangaan pala niyang tunay ang batang pinoy.

“You said that you were really nervous, you also said that you have a sore-throat, that was amazing without knowing all that,” hirit ni Howie.

Napansin naman ni Simon ang pag-improve ng batang singer kumpara sa nakaraang audition nito.

“Your voice actually got better,” sinabi ni Simon.

Peter’s first time in AGT

Bago sumalang sa entablado, binalikan sa screen ang nauna niyang journey sa AGT kung saan kinanta niya ang “All By Myself” ni Celine Dion noong Season 16.

Proud din siya na napansin ng mismong singer na si Celine ang kanyang naging performance noon.

Dati pa man ay kuhang kuha na niya ang puso ng mga hurado at madla dahil sa kanyang makisig na dating at mahusay na talento.

Tumatak din ang pangyayari kung saan kinailangan niya ipaulit ang tugtog ng kanyang kakantahin dahil siya ay sininok sa mismong entablado bago umawit.

Hindi pinalad si Rosalita na manalo sa finals sa una niyang salang sa AGT. Nasungkit sa kanya ni Dustin Tavella ang titulo noon.

Ngayon kaya? Ano ang magiging kapalaran ng young dreamer na ito? ‘Yan ang aabangan ng marami.

Banner credits: @peter.rosalita/@agt/screen grabbed from America’s Got Talent’s YouTube

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter