fbpx
Search
Close this search box.

Joey De Leon: “Mahal namin ang Showtime”

by Deanna Macaranas

Recently updated on April 21, 2024 08:48 am

ITINANGI ng Kapuso noon-time show ‘Eat Bulaga’ host na si Joey De Leon na magsasara ang naturang programa dahil sa pagkalugi nito. 

Unang nagsalita si dating Senate President Tito Sotto tungkol sa isyu noong miyerkules (April 17) habang pinapalabas ang segment ng show na “Gimme 5.” Dito nagsalita ang hosts tungkol pagpapasara ng Eat Bulaga sa dahilanan na nalulugi na daw ang programa.

“May mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo, at magsasara na raw tayo. Sabi ng mga sinungaling,” sabi ni Sotto. 

Kinalaunang sumagot din si Alan K sa sinabi ni Sotto kung saan kaniyang sinabi ng pabiro, “Tayo nalulugi? Magsasara after 45 years?” 

Dinagdag din ni Joey kung na naiingit lamang ang mga accounts na nagpopost sa naturang chismis dahil hindi kasali ang kanilang programa sa Top-5 longest-running show in the world. 

Habang patuloy na dinidebunk ng hosts ang chismis, naging usap usapan din ang panayam ni Joey De Leon kung saan parang pinaparingan niya ang isa pang noon-time tv show. 

“Umabot lang kayong 15 years baka luluhod ako sa harap niyo. 15 lang ah hindi 50, eh baka by that time bumiyahe na ako eh.” Saad ni Joey De Leon.

Hindi magkaaway

Kanina lamang, nagbigay ng salaysay si Joey De Leon sa kaniyang opisyal na Instagram account upang magbigay ng paglilinaw sa situwasyon. 

Nilinaw din ni Joey De Leon na hindi nila kaaway ang noon-time show na ‘Its Showtime.’ 

“Una, hindi namin kaaway yung Showtime.” Nilinaw ni Joey. “Yung Showtime matagal nanamin kapitbahay yun, hindi din kami tinitira, hindi din namin sila tinitira.” 

Binati din ni Joey De Leon ang It’s Showtim l sa kanilang nalalapit na 15th anniversary. 

“Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin…dadalawa na nga lang kami, huwag niyo kaming pagsabungin.” 

Klinaro din nito nung nagalit sila nung Eat Bulaga ay dahil doon sa mga nagpopost na magsasara na daw ang programa. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter