fbpx
Search
Close this search box.

Janella Salvador, Kapamilya pa rin

by Joanna Deala

STRONG ties pa rin si Janella Salvador sa ABS-CBN matapos niyang i-renew ang kanyang kontrata bilang isang Kapamilya star. 

Nitong Biyernes, pumirma ng exclusive contract ang 25-year-old actress sa Kapamilya network kung saan nag-take off ang kanyang acting career noong 2012. 

“I grew here in ABS-CBN, I started here and I do not see an end to it,” sabi ni Janella. 

Sa contract signing event, nagbalik-tanaw ang aktres sa kanyang acting journey mula nang magsimula siya sa ABS-CBN. 

Dalagita pa lang si Janella sa edad na 14 years old nang siya’y sumabak sa pag-arte sa telebisyon kung saan gumanap siya bilang Nikki sa hit daytime drama ng ABS-CBN na “Be Careful with My Heart.” 

Pero lingid sa kaalaman ng marami, Kapamilya na si Janella nang maging parte siya ng Star Magic Glee noong siya’y 12 years old pa lamang. 

“I was a shy kid, I still get nervous up to now, and I’m very, very thankful that someone saw something in that shy 12-year-old girl, when I didn’t know what I was doing,” binahagi ni Janella. 

Thankful ang aktres sa kanyang network na sinuportahan siya sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinarap, lalo na noong pandemya at nang mag-off-air ang ABS-CBN noong 2020. 

“Within the past 13 years, I have grown and learned so much and I wouldn’t have had it in any other way growing with you. And I will always, always be proud to call myself a solid Kapamilya because you guys don’t just bring celebrities, you bring artists,” ani Janella. 

Dagdag niya, “You make us want to strive harder, and because of that, I’m so proud to be a part of this company.”

Bukod sa projects, mayroon pang ibang goal ang aktres ngayong siya’y mananatiling Kapamilya star. Ayon sa kanya, gusto niyang mas makilala niya at ang ABS-CBN family nang mabuti ang isa’t-isa at sabay silang mag-grow. 

New films 

May naka-lineup na ring bagong projects para kay Janella, matapos ang kanyang pagganap bilang Agnes sa horror film “Mallari,” isa sa official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Nag-collaborate sina Janella at Thai actor Win Metawin para sa forthcoming movie na “Under Parallel Skies.”

Naglabas na ng teaser ang pelikula ngayong Pebrero, kung saan ipinasilip ang chemistry ng dalawang celebrities. 

Ipapalabas ang “Under Parallel Skies” sa April 2024. 

Excited din ang fans ng JaneNella, tandem name nina Janella at Jane de Leon, sa bagong pagbibidahang proyekto ng dalawa—ang pelikulang “How to be a Good Wife.” Idi-direct ito ni Jun Robles Lana. 

Maraming JaneNella shippers ang nais magtambal ang dalawang aktres sa isang Girls’ Love (GL) project pero ayon kay Janella, hindi sapphic film ang “How to be a Good Wife.” 

Sa ngayon ay wala pang premiere date para sa naturang pelikula.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter