fbpx
Search
Close this search box.

Hiwalay na raw, pero lockscreen sa cellphone si Bea Alonzo pa rin!

by Joanna Deala

HOPEFUL pa rin ang ilang netizens sa tambalang BeaDom na binubuo ng dating engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque!

Ito’y matapos na mabistado ang lockscreen ni Roque, kung saan makikita ang larawan ng aktres sa kanyang mobile phone.

Aksidenteng nakita ang lockscreen ni Roque sa isang Facebook reel na pinost ng netizen na si Bonal Robel noong April 8, kung saan nag-request siya ng video greeting kay Roque. 

Makikita sa video na hawak ni Roque ang cellphone ng netizen habang binibidyohan niya ang kanyang sarili, habang hawak niya sa kanyang kanang kamay ang kanyang cellphone. Nang itaas niya ang kanang kamay, nag-flash ang lockscreen niya na litrato ng aktres kasama ang kanyang aso.

Naglabas din nitong Huwebes ang netizen ng screenshot ng video ni Roque kung saan kita ang kanyang lockscreen.

Ito ang picture na pinost ni Alonzo sa social media noong June 2023 na kasama ang asong si Walter.

“So ayun na nga matutulong akong masaya,” comment ng isang Facebook user.

Napansin din ng ilang netizens ang litrato ng aso ni Alonzo sa recent post ni Roque sa Instagram. Dahil dito, may ilang spekulasyon ang social media users na nagkabalikan ang dating magkasintahan.

Hindi ito ang unang beses na may reconciliation rumors sa pagitan nina Alonzo at Roque. 

Nitong Marso, nag-post ang BASH, travel essentials brand ng aktres, ng promotional ad ni Alonzo kung saan napansin ilang netizens na suot niya umano ang kanyang engagement ring. Pero may ilang online users ang nagsabi na posibleng old photo ito na kinuhaan bago pa ianunsyo ng dalawa na hiwalay na sila. Kung titingnan din ang dating posts ng aktres, may ibinahagi siyang behind-the-scene photos ng promotional ad, kapareho doon sa March 8 post ng BASH.

Kinilig din ang ibang social media users nang i-like ni Roque ang April 2 post ni Alonzo sa Instagram ng kanyang mga ganap nitong Marso. Kinabukasan, nag-post din si Roque na kanyang March dump.

Wala namang pahayag ang dalawa tungkol sa kanilang reconciliation rumors.

Kinumpirma nina Alonzo at Roque ang kanilang hiwalayan noong February 11 sa isang joint statement sa social media, matapos silang maging topic ng breakup rumors. Na-engage sila noong July 2023 sa Quezon City.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter