fbpx
Search
Close this search box.

Bea-Dominic, Catriona-Sam, inaasahang magkakaayos pa

by Joanna Deala

ISANG buwan na ang nakalipas matapos kumpirmahin nina Bea Alonzo at Dominic Roque na hiwalay na sila. Ayon sa dating celebrity couple, pareho nilang napagdesisyunang tuldukan ang kanilang engagement.

Pero umaasa pa rin ang ilang netizens na magkakaayos pa ang dalawa.

Ito’y matapos mapansin ng netizens na suot umano ni Alonzo ang kanyang engagement ring sa isang recent promotional ad ng BASH, ang travel essentials brand ng 36-year-old actress.

Sa larawan na pinost ng BASH noong March 8, makikita si Bea na all smiles habang hawak ang isang flap organizer sa kanyang kaliwang kamay, kung saan kapansin-pansing may suot na singsing ang aktres.

Dahil dito, hopeful ang ilang fans na may posibilidad na magkabalikan ang dalawa.

“Awwwww the E ring,” comment ng isang Instagram user.

“Sign na ba yung [ring emoji]?” sabi naman ng isang netizen.

Sagot naman ng isa pang social media user, “If Bea approved this post for Bash.Manila, it may have an underlying meaning. Who knows.”

Pero may ilan namang nagsabi na posibleng dati pa kinuhaan ang litrato ni Bea bago pa kumpirmahin ng dalawa na hiwalay na sila.

“I think this photo was taken last January 2024 pa before the humors of their break up,” sabi ng isang netizen.

Kung titingnan ang old Instagram posts ni Alonzo, makikitang nag-share ang aktres ng behind-the-scene photos ng promotional ad ng BASH noon pang November 2023. Pareho ang outfit, hairstyle, at ang backdrop ng aktres dito at sa March 8 post ng kanyang travel essentials line.

Noong February 11 kinumpirma ng kampo nina Alonzo at Roque na hiwalay na sila, matapos silang puntiryahin ng breakup rumors. July 2023 nang ma-engage ang dalawa sa Quezon City.

Catriona-Sam

Samantala, spotted na magkasama ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby na nasa double date kasama ang mag-asawang Isabel Oli at John Prats.

Sa pictures na pinost ni Prats sa Instagram, makikitang nakipaglaro sina Gray at Milby ng paddle ball sa mag-asawa.

“Sunday,” sabi ni Prats sa caption.

May ilang netizens naman ang kinilig nang makita ang engaged couple na magkasama.

“My CatSam heart!” sabi ng isang fan. 

“Ang saya sa puso na makita na magkasama yung mag-fiancé. Sana sa year na ‘to kasal na [kayo],” wish ng isang fan.

“Buhay na buhay ang mga CatSam,” comment ng isa.

Umapela naman ang isang Instagram user na huwag na lang daw kasi gawan ng issue ang dalawa.

Matatandaang pinuntirya rin sina Gray at Milby ng breakup rumors, matapos mapansin ng ilang netizens na hindi na umano suot ng Miss Universe 2018 titleholder ang kanyang engagement ring sa kanyang recent posts.

Kinumpira ng Cornerstone Entertainment, ang talent management company ng magkasintahan, na may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa, pero patuloy daw nila itong inaayos.

Hindi lang ang paddle ball double date ang unang beses na nakitang magkasama ang engaged couple sa kabila ng breakup speculations. Nitong Pebrero, nakita rin ang dalawang magkasama sa first trade-launch gathering ni Oli.

Sa ngayon, wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkasintahan kung ano nga bang real score ng kanilang relasyon.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter