PINABULAANAN ng P-pop girl group BINI ang viral na “witchcraft” theory ng isang religious group tungkol sa kanilang sikat na kantang “Salamin, Salamin.”
Lead track ang kantang “Salamin, Salamin” sa diary-inspired debut extended play (EP) na “Talaarawan” ng BINI. Inilabas ito noong March 8, araw na ginunita ang International Women’s Day. Kasama din sa EP ang mga kantang “Karera,” “Pantropiko,” “Ang Huling Cha Cha,” “Na Na Nandito Lang,” at “Diyan Ka Lang.”
Nitong mga nakalipas na araw, naging usap-usapin ang “Salamin, Salamin,” pero hindi dahil sa mga personalidad na sumasabak sa hit dance challenge nito o ‘di naman kaya’y panibagong achievement ng kanta.
Ito’y dahil sa teorya ng isang religious group na Follow Jesus Ministry na nagsabing tungkol sa kulam ang hit song.
Pero pinabulaanan ng “nation’s girl group” ang teoryang ito at sinabing isa itong “fake news.”
“Fake news po ‘yun, hindi po witchcraft ang ‘Salamin, Salamin.’ Maganda lang yung song,” sabi ni Maloi sa isang press conference matapos ang kanilang debut bilang brand ambassadors ng isang e-commerce platform.
Para sa lider ng BINI na si Jhoanna, mayroong ganitong klaseng teorya tungkol sa kanilang hit song gayong may kani-kaniyang opinyon dito ang mga nakikinig.
“Actually, hindi po kami nakaka-open ng social media po dahil sobrang busy kami. Ngayon lang po namin nalaman din po ‘yan. Well, hindi na natin mako-control po kasi yung utak ng ibang tao,” ani Jhoanna.
Idinaan na lang daw ng BINI ang witchcraft theory tungkol sa “Salamin, Salamin,” ayon kay Colet.
“Nakita ko po ’yun, yung post na ‘yun. Pero nakakatawa po, hindi pa po ’yun, meron pa pong mas nakakatawa,” pagbabahagi niya. “Natatawa na lang po kami na may mga ganun na pong nabubuong kwento, na theory theory po ’yung mga tao.”
Song about witchcraft?
Sa lyrics ng “Salamin, Salamin,” ipinahayag ng BINI ang pakiramdam ng nangangarap nang gising tungkol sa kanilang potential crush.
Bahagi ng chorus ng kanta ay: “Mahiwagang salamin kailan ba niya aaminin / Kaniyang tunay na pagtingin / Mahiwagang salamin ano ba’ng dapat gawin / Bakit ang puso’y nabibitin.”
Upbeat at feel-good din ang vibe ng kanta na magpapaindak sa mga nakikinig.
Pero iba ang pananaw ng Follow Jesus Ministry dito. Para sa religious group, ang pakikinig sa naturang hit song ay posibleng maglayo sa “ating mga puso mula sa Panginoon.”
“Ang pakikinig sa mga makamundong musika ay kadalasang maglalayo sa atin mula sa ating spiritual at moral values,” paliwanag nito sa isang Facebook post.
Dagdag pa nila, “Maari nitong maimpluwensyahan ang ating mga pagiisip at paguugali, protektahan po natin ang ating mga puso at isipan mula sa mga walang kabuluhang salita dahil ang mga salita ay espiritu.”
Makikita rin sa post ang screenshot ng libro ni VIVII James na “Mirror Magic (Scrying, Spells, Curses and Other Witch Crafts)” at ang ilang bahagi ng lyrics ng “Salamin, Salamin” na nakasalungguhit. Mayroon pa itong Google translate result ng salitang “magic mirror” na ang ibig sabihin ay “mahiwagang salamin.”
Hinikayat pa ng grupo ang publiko na piliing mabuti ang kantang kanilang pakikinggan na magpapalapit pa sa kanila sa Panginoon.
“Itong ‘Salamin Salamin’ yung sinayaw sa church pero no problem.. KJ, Religious, OA, legalist pa yung nangrebuke at nagadvise. Di po yan KJ pagmamahal po yan. Salamin² is a Witchcraft song.. Please wake up church!” sabi pa nito.
Reactions
Sa ngayon, mayroon 7,100 reactions, karamihan dito ay “haha” reaction, at 2,500 shares ang post.
Iba-iba naman ang reaksyon ng social media users sa witchcraft theory ng religious group, pero karamihan sa kanila ay idinaan na lamang ito sa katuwaan.
Ang iba sa kanila sinabing “OA” o overacting ang komento ng grupo at sinabing wala namang mali sa naturang kanta.
Sina Mat Olavides at Bojam ng FlipMusic ang nag-produce ng “Salamin, Salamin.”
Nitong Marso, pumalo na sa one million views ang music video ng kanta, wala pang tatlong linggo mula nang inilabas ito.
#BINI : 1M YT views for our #BINI_SalaminSalamin in less less than 3 weeks! Ayokong maniwala, eyyy!🥹👉🏻👈🏻
— BINI_PH (@BINI_ph) March 26, 2024
Ang lakas namin sa mahiwagang salamin at syempre sa suporta niyo! TYSM mga bes for the magical love!✨🪞💖
Watch here:
🎥 https://t.co/UP13NDymxX#BINI_SalaminSalaminDC pic.twitter.com/RrVNPIqu3g
Brand ambassadors
Bukod sa pagiging P-pop idols, latest brand ambassadors na rin ang “nation’s girl group” ng isang e-commerce platform, na may layong makahikayat pa ng mga Pilipinong Gen Z consumers.
Inanunsyo ito mismo ng kompanya sa X (dating Twitter) nitong Martes, May 28.
The girls are here to STAY and SLAY!
— Shopee Philippines (@ShopeePH) May 28, 2024
Welcome our new brand ambassadors to the Shopee Family, @BINI_ph 🌸
Comment down your welcome messages with the hashtags #AngDaliDaliSaShopee and #ShopeeXBINI 🧡#ShopeePH pic.twitter.com/hHbCeBMrD5
Sa isang post, ibinahagi rin nito ang pagsayaw ng BINI sa “Salamin, Salamin” kasama ang isang executive ng e-commerce platform.
wala kayo sa boss ko.. 9th member yarn? BINI our Shopee Girlies, anong say niyo? @BINI_ph#AngDaliDaliSaShopee #ShopeexBINI pic.twitter.com/O9toXDC9W7
— Shopee Philippines (@ShopeePH) May 28, 2024
Ayon kay Jhoanna, excited ang BINI na makatrabaho ang e-commerce platform dahil sila mismo ay gumagamit din nito.
Ibinahagi rin ng eight-member girl group ang laman ng kanilang shopping carts tulad ng personal items na contact lens at vanity mirror, organizers, appliances, at gamit para sa kanilang mga alagang pusa.
@8list.ph @shopee_ph’s 6.6 sale is almost here! Find out what the @bini_ph members are checking out 👀🛒 #AngDaliDaliSaShopee #ShopeeXBINI #biniph #shopee #ppop #ppoprisebini #8listph #fyp
♬ original sound – 8List.ph – 8List.ph
Binubuo ang BINI nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena. Nakatakdang ganapin sa June 28 hanggang June 30 ang kanilang three-day solo concert na “BINIVerse” sa New Frontier Theater sa Quezon City.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?