ONE minute we were fine; you were mine; and now you’re gone.
Ganito tumagos sa puso ng fans ni R&B singer-songwriter Maki ang lyrics ng English version ng kanyang hit song na “Saan?”
Sa X (dating Twitter), sinorpresa ni Maki ang kanyang mga tagapakinig ng short audio clip ng English version ng “Saan?” bilang selebrasyon ng tagumpay ng kanta na may 60 million streams sa digital music platform na Spotify.
“saan??? english??? version?? what if???” sabi ni Maki.
“Oh when I asked you, you can’t look in my eye; You said, ‘Nothing’s going on’ was it all a lie?; It’s just funny how the day you left was the day you moved on; One minute we were fine, you were mine, but now you’re gone,” bahagi ng English lyrics ng kanta.
saan??? english??? version??
— Maki *ੈ✩‧₊˚ (@clfrnia_maki) February 26, 2024
what if???
HAHAHA happy 60M 🏃🏻🫶🏼🌳 https://t.co/SYI0B7eLde pic.twitter.com/iJXtbxe3U2
March 2023 unang ni-release ni Maki ang “Saan?” na may Tagalog lyrics. But don’t be fooled by this upbeat track dahil para ito sa mga heartbroken na naghahangad na makitang muli ang kanilang dating pag-ibig.
Si Nhiko Sabiniano ang nag-produce ng kanta, habang si Ralph William Datoon naman ang sumulat nito.
Sa Baguio City isinagawa ang shoot ng official music video ng “Saan?” na pinagbidahan mismo nina Maki at Karina Bautista.
Sa ngayon, umabot na sa higit six million views sa YouTube ang music video.
Napabilang din ang “Saan?” sa debut extended play (EP) ni Maki na pinamagatang “Tanong” na inilabas noong September 2023.
Dito ibinuhos ng young singer-songwriter ang kanyang mental at emotional pain, pati na rin ang lahat ng tanong sa kanyang sarili at sa mga taong wala na sa kanyang buhay.
Binubuo rin ang EP ng mga kantang “Sigurado?” “Bakit?” “Kailan?” at “Siguro…?”
Clamor for English version release
Wala pang kasiguraduhan kung magre-release si Maki ng full English version ng “Saan?” pero ito ang hiling ng kanyang fans na kilala bilang Zushis.
“Paki-release po nagbe-beg na po ako [ngayon],” sabi ng isang netizen.
Pahayag naman ng isang social media user, “Walang what if, what if, i-release mo na.”
Sabi pa ng isang fan, “Will never get tired of ‘Saan?’ kahit ilang version pa ‘yan.”
Pinuri din ito ng ilan, sa ganda ng pagkakasalin sa wikang Ingles ng lyrics.
“From ‘sadyang gusto ko lang naman tanungin ang ‘yong mata na madalas nagsisinungaling’ to ‘oh when I asked you you can’t look in my eye you said ‘nothin2g’s going on’ was it all a lie?’ oh wow the command of the language,” comment ng isang fan.
Nag-react din ang isang social media user ng, “Wait ang ganda, I love how it’s not a full direct translation but still retains the meaning of the [original].”
Samantala, nagpasalamat naman si Maki sa kanyang fans para sa tagumpay ng “Saan?”
“I can’t even look at this milestone without being emotional. naalala ko pa nung sabay sabay natin inabangan yung release tapos ang onti pa natin nun :(((“ sabi niya.
Dagdag ng rising OPM artist, umaasa siyang makita ang kanyang Zushis sa isang concert.
hi zushis
— Maki *ੈ✩‧₊˚ (@clfrnia_maki) February 26, 2024
I can’t even look at this milestone without being emotional. naalala ko pa nung sabay sabay natin inabangan yung release tapos ang onti pa natin nun :(((
my heart is so full and I always look forward to the day na magkasama sama tayong lahat sa isang concert 🏃🏻🥺
Nag-comeback ngayong taon si Maki nang i-release niya ang kanyang bagong heartbreaking single na “HBD” nitong nakaraang buwan.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?