fbpx
Search
Close this search box.

‘Free Admission’ Intramuros site para sa Women’s month 

by Deanna Macaranas

IT’S a sign na mag-girls trip na sa Intramuros! 

Kilala natin ang Intramuros bilang ‘Walled City of Manila.’ Alam nating lahat na ang lugar na ito ay makasaysayan dahil sa preservation ng makalumang istruktura sa loob ng walled city.

Ito ang dahilan kung bakit marami ring mga dayuhan na bumibisita ang namamangha dito.

At dahil ang buwan ng Marso ay nakatuon para sa selebrasyon ng mga kababaihan, aba’y  ‘Free Admission’ ang mga babae sa mga historical sites sa Intramuros.

Noong Biyernes, inanunsyo ng Intramuros Administration sa kanilang Facebook page na magiging libre ang entrance fee ng kanilang sites para sa kababaihan sa March 8. 

Kabilang dito ang historical site ng Fort Santiago, Baluarte San Diego, at ang Museo ng Casa Manila.  

Habang ang mga sites na ito ay free admission para sa mga kababaihan, ano-ano nga ba ang pwede mong makita sa mga lugar na ito? Bakit nga ba nakahiligan ng maraming turista at ng mga locals ang Fort Santiago, Baluarte San Diego, at Casa Manila Museum? 

Fort Santiago 

Kung ikaw ay isa sa mga taong mahilig sa history, malamang sa malamang–ikaw ay pamilyar sa Fort Santiago. 

Unang naitatag ang Fort Santiago noong taong 1571 bilang isang ‘premier defense fort’ ng gobyerno ng mga kastila. Ngunit ito nasira noong 1574 noong umatake ang mga Chinese na pinangunahan ng pirata na si Limahong.  

Muling binuo ang ‘fort’ sa pagitan ng mga taong 1589 at 1592 ngunit muling nasira noong 1645 dahil sa lindol. 

Ang fort ay naging pakipakinabang din noong panahon ng kastila, Amerikano, at mga Hapon dahil ito ay naging kanilang headquarter at bilaguan. Dito din kinulong ang kilalang National Hero na si Jose Rizal mula November 3 hanggang December 26, 1896. 

Courtesy: pexels.com / @Nothing Ahead 

Baluarte de San Diego  

Ang Baluarte de San Diego ay ginawa noong 1586-1587 naidesign ng Jesuit priest and architect na si Antonio Sedeño at ang silbi nito ay upang depensahan ang Southern bayside ng Maynila. 

Bago ito maging ‘Baluarte de San Diego’ ito ay unang naging ‘Fort Nstra. De Guia’ na isang circular tower. 

Noong taong 1593, ang itaas na bahagi ng tore ay giniba dahil sa mga nakitang bitak ngunit ang natirang bahagi nito ay naging panibagong bulwark na pinangalan na bilang ‘Baluarte de San Diego.’ 

Courtesy: unsplash.com / @Aela Mataverde 

Casa Manila Museum 

Ang Casa Manila ay kilala din bilang ‘Manila House.’ 

Ito ay isang museum na nagpapakita ng pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang istraktura ng Casa Manila ay naka-pattern sa isang bahay na dating nakatayo sa Jaboneros Street sa Chinese district ng Binondo noong 1850’s. 

Samantala ang looban naman nito ay sumusunod akma noong 19th century. 

Courtesy: pexels.com / @Alexis Ricardo Alaurin 

Maliban sa ‘Free Admission’ ang Intramuros ay maghahanda din ng ‘mini-weaving activity’ na gaganapin sa Museo De Intramuros sa March 16 at 17 kabilang sa selebrasyon ng ‘Women’s Month.’  

Ang Intramuros ay makakaroon din ng cultural show sa Fort Santiago sa March 10, 17, at 24 ng 4:00 pm. Maliban dito, kasama din ang ‘Cleantramuros’ na gaganapin sa Plaza Roma tuwing linggo ng 8:00 am. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter