fbpx
Search
Close this search box.

Collab song nina Seo In-guk, Francine Diaz, ilalabas sa March 2

by Joanna Deala

IT’S confirmed! May bagong kantang ilalabas ang 20-year-old actress na si Francine Diaz kasama ang South Korean actor na si Seo In-guk.

Nitong nakaraang buwan, naging talk of the town ang posibleng collaboration ng dalawang celebrity nang sorpresahin nila ang netizens ng isang dance video. Sa caption, sinabi ni Diaz na, “See you next month, My Love!” kalakip ang winking face at heart hands emojis.

Sa Instagram, kinumpirma ng actress na may collaboration song sila ni Seo at naglabas ng teaser ng kanila forthcoming single na pinamagatang “My Love.”

Ito’y ilalabas sa March 2, ayon kay Diaz.

“Pinch me, because dreams really do come true!” sabi ng aktres na inihayag din ang kanyang excitement para sa kanilang collab song.

Ibinahagi rin ito ng record label na Universal Record Philippines sa social media.

“[Francine Diaz] and Seo In Guk’s new song ‘My Love’ is set to captivate your hearts and make you fall in love over and over again,” sabi nito.

Sa isang vlog, binahagi ni Diaz kung paano sila nag-collab ni Seo. Ayon sa kanya, sinabi sa kanya ng kanyang manager na si John Ling na gusto siyang makatrabaho ng South Korean actor sa isang kanta, matapos ang kanyang fan meet sa bansa noong August 2023.

“The first time na nagkaroon siya rito ng fan meet last year August, sinabi sa’kin ni Ninong John na he wants to collab daw with me, he wants to do a song daw kaming dalawa, ‘tas sabi ko, ‘Ninong, sure po ba siya jan?’” saad ni Diaz.

Tinanong na rin ng aktres si Seo kung bakit siya ang napiling maka-collab sa kanta.

Sagot naman ni Seo, “I heard that John was very helpful in creating our collaboration album, and about that, she released an album when she was 14 or 13 years old.”

“I thought that if I tried it once, some really interesting work would come out,” dagdag niya.

Nagpasalamat din si Seo sa kanyang Filipino fans, o mas kilala bilang Heartriders.

“Every time I come to the Philippines, they welcome me with such joy. We will create many opportunities for us to meet each other,” sabi ng aktor.

Nakilala si Seo sa kanyang mga role sa ilang sikat na K-drama tulad ng “Reply 1997,” “Shopping King Louie,” “Doom at Your Service,” at “Cafè Minamdang.”

Isa ring singer-songwriter si Seo na nagpasikat ng ilang soundtracks na ginamit sa K-dramas,  tulad ng “All For You” sa series na “Reply 1997.”

Samantala, mas nakilala pa si Diaz sa kanyang pagganap sa television series na “Kadenang Ginto” at “Dirty Linen.”

Reactions

Excited naman ang ilang netizens para sa bagong kanta nina Diaz at Seo.

“Congrats. Can’t wait for the magical moment on 02 March 2024 – D-Day,” saad ng isang fan.

Sabi naman ng isang Instagram user, “Sana all paborito ni Lord.”

Happy naman ang isang fan ni Diaz na nag-comment ng, “Grabe ang daming ganap ni Chin kabi-kabila ang blessings.”

Ilang celebrities din tulad nina Kristel Fulgar at beauty queen na si MJ Lastimosa ang nag-congratulate sa aktres para sa kanyang bagong project.

“Proud of you baby girl!!!” sabi ni Lastimosa.

Nagcomment naman si Fulgar ng smiling face with heart-shaped eyes, clapping hands, at fire emojis sa IG post ni Diaz.

Full support din si Ling sa kanyang talent at inaanak at sinabing, “Wow so good grabe.”

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter