fbpx
Search
Close this search box.
Philippines news

“Dalawang araw” nakuhanan sa video sa South Cotabato

by Bryan Gadingan

NAKATATANGGAL ng pagod ang pagmasdan ang paglubog ng araw saan man matapos ang nakapapagod na maghapon. Hudyat nito na kailangan nang ipahinga ang pagod na katawan.

Kulang ang salita upang ilarawan ang kulay sa himpapawid na depende sa isang tao kung saya at lungkot ang nadarama.

Pero paano kung dalawang sunset ang makita mo sa kalangitan? Viral sa social media noong nakaraang araw matapos itong makuhanan ng video ng isang netizen sa Koronadal, South Cotabato. 

@voraponpatcharasi 🌞☀️ TWO​ SUNS…. 🌄 #matrix #glitchinthematrix #doublesun #Trending#fyp#twinsolarsystem #Hologram#sunsimulator#sunset #sun ♬ Way down We Go – KALEO

Sa video na nakuhanan ni Lean Leonel Bastareche, mas matingkad ang isang bahagi habang ang isa naman ay katamtaman lamang.

“Naisipan kong kunan ng video yung sunset at i-post siya sa social media. Nakuhanan kong video ang dalawang araw,” kwento ni Bastareche sa GMA Regional News One Mindanao.

“Sa kabilang side merong sunset at sa kabilang side meron ding isang sunset. Yung isa is brighter at yung isa a little dimmer,” idinagdag ni Bastareche.

Ipinaliwanag naman ni Kuya Kim sa GMA 24 Oras noong Huwebes na imposibleng mangyari ito. Ayon sa kanya, isa lamang ang araw sa loob ng ating solar system. At kung may isa pa, maaapektuhan nito ang gravity.

Ayon naman kay PAGASA expert Mario Raymundo, tinatawag itong atmospheric optical illusion lamang mula sa himpapawid. “It’s an atmospheric phenomena. ‘Yung mga sinasabi na sun dog,” ayon kay Raymundo.

Screenshot from: @voraponpatcharasi

Ang “sun dog” ay isang atmospheric optical illusion kung saan nagmimistulang maliwanag ang isa o dalawang bahagi ng araw. Ito ay dahil sa refraction ng sinag ng araw na tumatama sa ice crystals sa atmosphere.

“Reflected sunlight ito na tumatama sa atmosphere. The moment na lumubog o kaya naman ay sumikat ang araw, depende doon sa number o present na ice particles ay nagbibigay siya ng mga ganoong mga images,” sabi ni Raymundo.

Ang sun dog ay matatagpuan sa 22° ng kanan, kaliwa, o dalawang banda ng araw. Ito rin ay tinatawag na mock sun o parhelia dahil halos magkasing-kulay ang araw at ang sun dog.

Sabi rin ni Raymundo, bihira lamang ang ganitong pangyayari. Nakakagulat man, nakakamangha pa rin isipin na ang pangyayaring ito ay maaaring maipaliwanag ng siyensiya.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter