fbpx
Search
Close this search box.

Alden Richards, Jericho Rosales nililigawan si Kathryn Bernardo – Ogie Diaz

by Joanna Deala

MAY dalawang bagong manliligaw si Kathryn Bernardo! 

Ayon kay veteran showbiz reporter Ogie Diaz, ang dalawang ito ang mga nali-link sa 28-year-old actress ngayon: sina Alden Richards at Jericho Rosales.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” nitong Linggo, April 14, sa YouTube, sinabi ni Diaz na may isang source mula sa kampo ni Bernardo ang nagsabi sa kanyang nililigawan ng Kapuso actor and Kapamilya actress.

“Nanliligaw na nga itong si Alden kay Kathryn. At makikita naman daw ‘yan sa kanilang body language,” pahayag niya.

Ayon daw sa kanyang source, gusto raw ng pamilya ni Bernardo si Richards dahil taglay niya ang mga katangiang hinahanap nilang potential match ng aktres.

“Si Alden ay isang negosyante, si Alden ay financially stable, responsable. Kaya daw natutuwa at naaaliw kay Alden yung pamilya ni Kathryn dahil daw yung mga gusto nila para sa isang lalaki parang pino-possess ni Alden,” dagdag ni Diaz.

Bukod kay Richards, nanliligaw din daw si Rosales kay Bernardo, ayon sa source ni Diaz. Pero kung papipiliin, mas gusto raw ng pamilya ni Bernardo kay Richards kaysa kay Rosales.

“Pero kung botohan at botohan daw sa pamilya ni Kathryn, parang mas boto sila kay Alden,” saad ni Diaz.

Single sina Richards, Bernardo, at Rosales ngayon, matapos makumpirmang hiwalay na si Bernardo sa dating nobyong si Daniel Padilla at si Rosales sa kanyang ex-wife na si Kim Jones.

‘KathDen’ update

Nitong weekend, gumawa na naman ng ingay ang “KathDen,” ang tandem name na ibinansag ng netizens kina Bernardo at Richards, nang dumalo sa housewarming party ng Bernardo family ang aktor. Idinaos ng pamilya ni Bernardo ang party para sa kanilang bagong tayong dream house, apat na taon ang lumipas matapos ang groundbreaking ceremony nito.

Dinaluhan ng mga kasamahan ni Bernardo sa entertainment industry ang event, kasama na ang “Asia’s Multimedia Star.” 

Kumalat sa social media ang ilang clips ng dalawa mula sa housewarming party, kabilang na rito ang video kung saan makikita ang dalawang nakatayo sa bar area nang tawagin si Bernardo ng kanyang mga bisita para sumayaw. Makikita naman sa likod na pinanonood ni Richards ang aktres na magbigay ng sample ng kanyang dance moves.

Isa lamang ito sa viral moments ng “Hello, Love, Goodbye” stars na kinakikiligan ng netizens, matapos ang 28th birthday celebration ni Bernardo. Maraming netizens ang nag-ship sa dalawa kaya naman nabuo ang tambalang “KathDen.”

Pero nang tanungin ng “24 Oras” ang aktor tungkol sa real score ng relasyon niya sa aktres, sinabi lang niya na “What you see is what you get.” May mga personal na bagay din daw na mas mabuting “personal” na lamang.

Wala pa namang reaksyon si Bernardo tungkol sa pagshi-ship ng netizens sa kanila ni Richards.

Jericho x Kath

Samantala, nauna nang pinabulaanan ni Bernardo ang romance rumors umano nila ni Rosales matapos silang makitang magkasamang nagja-jogging sa Marikina. Nilinaw ng aktres na sumama lamang siya sa late-night jog dahil inimbitahan siya ng kanyang kaibigan at kapwa “Goin’ Bulilit” alum na si John Manalo, na pamangkin naman ni Rosales.

Matapos nito, kinilig ang netizens sa tribute reel para kay star builder Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M. Makikita kasi sina Bernardo at Rosales na nasa iisang frame habang sinasagot ang tanong tungkol sa kung anong “M” ang makakapaglarawan kay Mr. M. May ibang online users na nagsabing may “chemistry” ang dalawa sa naturang video.

Kasama rin si Rosales sa birthday celebration ni Bernardo sa Palawan, pero wala siya sa katatapos lang na housewarming party ng mga Bernardo.

Present sa party sina ABS-CBN president and chief executive officer Carlo Katigbak, Piolo Pascual, Darren Espanto, Chie Filomeno, Robi Domingo at ang kanyang asawang si Maiqui Pineda, Kakai Bautista, Maymay Entrata, Alyssa Valdez, at Loisa Andalio.

Naroon din sina Dominic Roque, Ria Atayde, celebrity fashion stylist Priscilla Tañedo, at ang event stylist na si Gideon Hermosa.

Check out more stories from republicasia here. Follow republicasia on FacebookTwitter, and Instagram to get the latest.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter