fbpx
Search
Close this search box.

Alden Richards, spotted sa housewarming party ni Kathryn Bernardo

by Joanna Deala

Recently updated on April 15, 2024 02:53 pm

HINDI pa nakaka-move on ang ilang shippers ng tambalang “KathDen” na binubuo nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa 28th birthday celebration ng aktres, pero may panibagong moment na naman ang dalawa na kinagigiliwan ngayon ng netizens.

Laman na naman ng trendling list ng X (dating Twitter) ang hashtag na “KathDen” matapos kumalat sa social media ang ilang moments ng “Hello, Love, Goodbye” stars sa housewarming party ni Bernardo.

May panibagong milestone na namang na-achieve ang Kapamilya actress nang makumpleto sa wakas ang dream house ng kanyang pamilya. Noong March 2020 nagkaroon ng groundbreaking ceremony ang aktres para sa kanilang bagong bahay at nagpasilip siya ng construction update nito noong January 2023.

At para i-celebrate ang milestone na ito, nag-hold ng housewarming party ang Bernardo family na dinaluhan ng iba’t ibang celebrities, kasama na si Richards.

Sa isang video mula sa housewarming party na kumalat sa social media, makikita sina Richards at Bernardo na nakatayo sa bar area nang tawagin ng mga guest ang aktres para sumayaw. Nagbigay naman ng kaunting sample si Bernardo ng kanyang dance moves habang makikita sa likod si Richards na pinanonood siya.

May mga video rin na makikita ang dalawang nag-o-offer ng shots sa mga bisita. 

Nagbahagi din nitong Sabado ng ilang litrato mula sa party ang Nice Print Photo kung saan makikita sina Bernardo at Richards na magkasama sa isang frame. Hindi naman napigilang kiligin ng ibang netizens sa mga litrato ng dalawa.

“Nice Print knows what we really wanna see,” comment ng isang Instagram user.

Sabi pa ng isang netizen, “At bakit parang photoshoot ng KathDen?”

“Simula nung nag-trending ang kathden wala na kong maayos na tulog,” dagdag pa ng isang social media user.

May eagle-eyed fans din na nakapansin na suot ulit ng dalawa ang black rings sa kanilang index fingers.

Unang napansin ng netizens ang black rings sa surprise birthday party ng aktres, kung saan sinorpresa siya ni Richards ng malaking bouquet ng red roses at regalo mula sa isang French luxury house. Bukod dito, dumalo rin ang actor sa birthday celebration ni Bernardo sa Palawan.

Dito rin umingay ang tandem na “KathDen” matapos kumalat sa social media ang ilang clips ng kanilang sweet moments sa party. Kaya naman naging palaisipan sa ilang fans kung ano na nga ba ang relasyon ng dalawa.

Sinagot ito ng aktor sa panayam sa kanya ng “24 Oras” at sinabing, “What you see is what you get.” Nang hingan siya ng komento tungkol sa pag-ship sa kanya ng netizens kay Bernardo, ipinaliwanag ng aktor na may mga personal na bagay na dapat ay manatiling personal na lang at hindi “kailangan laging ipamalita sa social media.”

Sa ngayon, wala pa namang pahayag dito si Bernardo. 

Parehong single sina Richards at Bernardo, matapos ang hiwalayan ng aktres sa dati nitong nobyong si Daniel Padilla. Sa panayam kay Bernardo ng Mega Magazine, inihayag ng Kapamilya actress na siya’y nasa mas magandang kalagayan na ngayon kahit na may mga challenging days siyang hinaharap.

“Now, where I am is exactly where I’m supposed to be. February for me is the new January. Parang ‘yon ‘yong tapos na. I know that I’m okay. I can say I’m healed,” saad ng aktres nang bumida siya sa cover ng naturang magazine ngayong Abril na tungkol sa self-love.

Other guests

Bukod kay Richards, present din sa housewarming party ang ilang kasamahan ni Bernardo sa entertainment industry tulad nina ABS-CBN’s president and chief executive officer Carlo Katigbak, Piolo Pascual, Darren Espanto, Chie Filomeno, Robi Domingo at ang kanyang asawang si Maiqui Pineda, Kakai Bautista, Maymay Entrata, Alyssa Valdez, at Loisa Andalio.

Spotted din sa party sina Dominic Roque, Ria Atayde, celebrity fashion stylist Priscilla Tañedo, at ang event stylist na si Gideon Hermosa na nag-setup ng housewarming party ng Bernardo family.

Kita naman sa mga bisita na nagkaroon sila ng masayang bonding sa party. Sa isang video, agaw-eksena sina Andalio, Filomeno, Entrata, at Espanto nang ipakita nila ang kanilang dancing skills nang sayawain nila ang viral summer song na “Pantropiko” ng P-pop girl group na BINI. Nagpakitang gilas din si Domingo nang sumama siya “Pantropiko” dance video.

@dfangirlhere1

Pantropiko fever with Darren and friends at Kathryn’s housewarming party last night. Ang swabe nang galaw ni Darren ah. Btw, icydk, Darren has a concert happening on June 1 at the Araneta Coliseum. Grab your tickets now!!! #darren #darrenespanto #d10 #fyp #fypシ #viral

♬ Pantropiko – BINI

Sinubukan din nina Espanto ang indoor slide sa bahay ni Bernardo. Bukod sa slide, meron ding elevator, swimming pool at garden ang newly constructed dream house ng mga Bernardo.

Check out more stories from republicasia here. Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter