fbpx

Sumbatan on air: Cristy Fermin, Willie Revillame clash

by Toni Tan

VETERAN showbiz columnist and host Cristy Fermin slammed television host Willie Revillame over his claims that people want to destroy him. 

Willie: Ako mayabang?

In one of his ‘Wowowin’ episodes, a visibly furious Revillame slammed his critics and said that he is now ready to fight back and defend himself from malicious accusations hurled against him. 

“Maraming naglalabasan ngayon at talagang medyo winawasak ang pagkatao ko, sinisiraan. Meron akong mga taong minahal at tinulungan… sinabihan pa akong mayabang ngayon,” Revillame said.

“Hindi na ako matatakot sa inyong lahat, laban na ito kung laban. Masyado niyo na akong inaapi.Tirahin niyo ako minu-minuto, I don’t care dahil kayo ang may utang na loob sa akin, hindi ako. Tandaan niyo ‘yan,” he added. 

Cristy: Gusto mo gyera? Nakahanda ako

In one of her shows, Fermin called Revillame arrogant. She later on, explained that she texted Revillame after that episode. 

“Ang sabi ko, ‘sana lang, pinanood mo nang buo ang mga sinabi ko sa ‘CFM’ tungkol sa yo,” she shared. “’Yung terminong ‘mayabang’ sinabi ko yun. Pero iba pala ang interpretasyon mo,” Fermin said. 

“’Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN. Bago ka magsalita, mag-isip ka muna. ’Pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sa yo, nakahanda ako.’ Tatlong exclamation marks po yun, all caps po yung, ‘NAKAHANDA AKO,’” she added. 

Willie calls Cristy

Fermin also said that Revillame called her and tried to explain his side. 

“Dahil po dito ay tumawag siya. Unang sagot ko pa lang, hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang mga salita ko. Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga, patungkol sa kanya bilang sagot, yung mga bagay na ayaw niyang marinig na sa unang pagkakataon ay pinatikim at pinalasa ko sa kanya,” she added. 

She also hit Revillame for boasting about the help he gave to other people. 

“Unang-una po mga kapatid, pinaka-ayoko po yung nanunumbat. Sabi ko nga, mantra ng buhay ko, anumang ginagawa ng ating kanang kamay, hindi na dapat pang ipinapaalam sa kaliwa,” She said. 

“Ngayon, kung tutulong po tayo at isusumbat pala natin pagdating ng panahon, huwag na lang tayong tumulong. Yun lang naman yun,” she added.

Revillame’s statement about giving reporters P10,000 during the pandemic also did not sit well with Fermin. 

“Huwag ka na lang tutulong kung pagdating pala ng araw isusumbat mo lang,” she added.

Willy the last to know about ALLTV closure — Cristy

Revillame also told Fermin that no one was informing him about the fate of ALLTV shows which will pause airing due to a lack of advertisers and revenue. 

“Wala raw kumakausap sa kanya. Tumatawag daw siya, wala raw gustong makipag-usap sa kanya. Yun ang sabi niya. Sabi ko, ‘Ikaw na lang ang hindi nakakaalam. Hindi tama yan. Dapat kausapin mo sila.’ Araw-araw daw po siyang tumatawag pero walang may gusto makipag-usap sa kanya,” Fermin explained. 

Cristy: Magbilangan tayo ng utang na loob

The showbiz columnist also clarified the car and the condo unit Revillame gave her. 

“Nakakasakit po ng damdamin. Sinabi ko raw na mayabang siya. Walang utang na loob? Anong dapat kong tanawing utang na loob sa yo, Willie Revillame? Magbilangan tayo. Magbilangan tayo ngayon. Ano ang dapat kong tanawin na utang na loob ko sa yo? Masakit sabihin, masakit marinig, nagkatulungan tayong dalawa,” she said. 

Willie apologizes: Na-click bait po ako

After their phone call, Revillame came out again on air to publicly apologize to Fermin Wednesday. He said a staff showed to him an edited video clip which spliced a portion of Fermin’s comment.

“Na-clickbait ako. Napain lang ako na may nagsabi sa akin na, ‘O akala ko ba, nanay mo yang si Cristy Fermin? Bakit sinabi, ang yabang-yabang mo raw?’ So, parang naano na ako, ‘yun ang mga dumarating. Kaya ayokong nagbabasa ng YouTube at Facebook na negative. Kaya lang, siyempre nasaktan ako dahil parang nanay ko ho ‘yan, si Tita Cristy.

He acknowledged his mistake of not taking time to watch the entire clip to see the entire context of Fermin’s comments.

He said he still regard Fermin as his “nanay-nanayan.” He only uttered hurtful comments out of spite, compounded by his anxiety from bashings he received over rumors of closure of his show and All TV Network.

“Kay Tita Cristy Fermin, Tita Cristy, para mo na akong anak. Para na kitang nanay, humihingi ako ng tawad sa’yo. Pasensiya ka na dahil alam mo naman nag-iisa lang ako. Ilang araw akong nag-iisa sa kuwarto, nag-iisip. Hindi ako nagbabasa nang kahit ano, nag-iisip lang ako.

“Pero salamat at nagkausap tayo kanina. At sa mga anak mo na nasaktan ko, pasensiya na kayo dahil naging emosyunal ako. Ako naman ay nagpapakumbaba sa mga nasasaktan. Eh ganoon ho talaga eh. Di ba? Pero wala akong iniisip na pagsusumbat kahit kanino.

“Tita Cristy, sa mga anak mo, I’m sorry. Galing sa puso ko, I’m really sorry na nasaktan kita na alam kong pinaglaban mo ako.”

Watch the full clip here:

https://www.youtube.com/watch?v=6XuRAic92JA

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.