fbpx
Search
Close this search box.

Ang pagbabalik ng Chinese New Year celebrations

by Athena Yap

DAMANG-dama na nga ang transisyon ng bansa sa new-normal, lalo na sa katatapos lang na pagsalubong sa Year of the Rabbit nitong January 21 na naganap sa Binondo, Manila kung saan matatagpuan ang pinakamatandang Chinatown sa mundo. 

Bago ang nasabing kaganapan, nag anunsyo ang Manila Traffic and Parking Bureau na isasara nga ang Jones Bridge para sa fireworks display sa pagsalubong sa Chinese New Year.

Dalawang taon na halos hindi napaghandaan nang enggrande ang Chinese New Year dahil sa mga restriction at sa banta na rin ng COVID-19 sa bansa.

Pero ngayong taon, masayang sinabulong ng mga Chinese at Chinese-Filipino sa bansa ang lunar new year. 

Maaga pa lamang ay marami na agad tao ang dumayo sa Binondo para makiisa sa pagpasok ng Year of the Rabbit.

Tila nakabangon na nga ang marami mula sa pandemya dahil puno talaga ng tao ang mga kalye ng Binondo.

Nagbalik na rin ang pa-concert sa bungad pa lang ng Sta Cruz patungong Bindondo, kung saan nagsimula nang magkumpul-kumpol ang mga tao.

Ang iba ay may kani-kaniyang pakulo pa na talagang dinudumog.

Cute Dogs

Isa na dito si Pon Mundara, isang pedicab driver na ibinida ang kaniyang mga aso na may suot na salamin at facemask.

Naging atraksyon sa kahabaan ng Binondo ang kaniyang mga alaga na pinangalanan niya ng BBM, Sara at Digong.

Ayon kay Pon, ang Chinese New Year ang nakita niyang oportunidad para magbaka-sakaling maka-likom ng pera pampakain sa kaniyang mga aso.

“Walo aso ko, kaso walang pambili ng pagkain nila,” kwento niya.

Little Dragon dance showdown

Bukod pa riyan, isa rin sa naging agaw-pansin ay ang mga batang gumawa ng sariling version nila ng Dragon dance.

Mula sa styrofoam at kumot, nakabuo ang mga bata ng alternative ng dragon dance. 

Dumating naman ang isa pang bata na may tunay na costume na dragon head at nagkaroon ng showdown ang mga paslit. Marami ang natuwa sa mga bata at marami ang pumaligid para mag picture at video.

Hindi rin nawala ang traditional Dragon Dance na inabangan ng marami na dumagdag sa kulay ng kapistahan ng mga Tsino.

Fireworks Display

Ang pinaka inabangan naman ng lahat ay ang fireworks display sa pagsalubong ng Chinese New Year na ginanap sa kahabaan ng Jones Bridge.

Pagsapit ng 12 ‘o clock, sabay sabay ang lahat na tinanaw ang 10-minute fireworks display,  kung saan napuno talaga ng tao ang kahabaan ng Jones Bridge na umabot pa sa ibang bahagi na malapit sa tulay.

Nagkaroon ng programa ang Chinoy TV sa gitna ng Jones Bridge para sa okasyon, at bumati rin ng Happy Chinese New Year sa mga kaibigang Tsino sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo.

May public appearance din ang mga nanalo sa nakaraang Mr. and Ms. Chinatown na sina Kevin Lao at Berjeyneth Chee.

Banner courtesy of Facebook: Manila Public Information

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.