By R.A. Maico
Pinailawan na kagabi ang Los Baños Christmas village sa Paciano Park sa Los Baños, Laguna.
Sentro ng kumukuti-kutitap na Christmas village, ang higanteng Christmas tree.
Umabot ng 35 feet o katumbas ng tatlong palapag na gusali ang Christmas tree.
Kakaiba ang Christmas tree ng Los Baños dahil gawa ito sa mga indigenous material gaya ng kawayan, bunot ng niyog , mga tuyong damo at capiz.
May mga nakapalibot din na mga food stalls na mala-bahay kubo.
Dinagsa ng mga mamamayan ng Los Baños ang opening ceremony. Tanaw na rin sa Paciano Park ang Laguna Lake.
Nag-enjoy ang mga bata sa mga rides.
Tampok din ang mga trade booths na pinalamutian ng mga disenyong pamasko ng mga guro at estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan sa bayan.
Tema ng Christmas village na ito na ang Paskong Pinoy ay bigyan ng pagkilala, kultura at tradisyon ng mga produktong katangi-tangi para sa mga Pilipino.
“Siguraduhing magpa-selfie sa ating Christmas displays, mag-shopping sa ating bazaar at mag-food trip sa masasarap nating F&B booths,” pagmamalaki ni Mayor Anthony “Ton” Genuino.
photos courtesy: Los Baños, Laguna PIO