Press Release
KINILALA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagsisikap into na mapalaya ang higit 103,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) nitong taong 2022 bilang bahagi ng patuloy na hakbangin sa decongestion ng mga kulungan.
“Saludo ako sa BJMP sa kanilang decongestion efforts. Matagal ng problema ang kasikipan ng mga kulungan at nararapat lamang na tuloy-tuloy ang ating pagsusumikap na tugunan ito,” ani Abalos.
“I know for sure that BJMP will not stop here. Alam kong patuloy nilang pangungunahan ang pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga kababayang PDL,” dagdag pa Nina.
Ayon kay Abalos, ikinagagalak niya ang paglaya ng 77,960 PDLs noong 2022 sa pamamagitan ng paralegal services at ang paglaya ng 25,333 PDLs sa pamamagitan ng ibang paralegal modes.
Dagdag din ng kalihim, ayon sa datos ng BJMP, may 6,288 PDLs o 10 percent sa kabuuang 130,138 na average monthly jail population ang lumalaya sa kanilang jail facilities kada buwan.
Aniya, nagpapasalamat siya sa BJMP sa programa nitong palayain ang mga kwalipikadong PDLs at sa pagpapanatili nito ng “zero overstaying PDLs” sa kanilang 478 jail facilities sa buong bansa.
Mula sa huling datos, mayroong 367 percent congestion rate ang BJMP o 126,820 PDLs sa buong bansa.
“BJMP is utilizing all legal means to decongest our jails, and we are grateful that President Marcos is supporting these efforts,” pahayag ni BJMP Chief, Jail Director Allan Iral.
Matatandang inutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagpapalaya sa mga PDLs na kwalipikado para sa parole.
Banner photo credit: BJMP Region 8 Facebook
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?