fbpx
Search
Close this search box.
philippine news

Weekend activities sa Metro Manila

by Joanna Deala

BALIK-eskwela at trabaho na ang ilang Pilipino kasunod ng dalawang magkasunod na holiday sa bansa nitong Martes at Miyerkules para sa paggunita ng Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr. 

Ang iba sa atin ay kinuha na itong pagkakataon para makapagpahinga sa kani-kanilang busy schedule o ‘di naman kaya’y magbakasyon sa ibang lugar para maibsan din ang init ngayong dry season.

Dalawang araw pa ulit ang hihintayin bago mag-weekend. Kung isa ka sa mga nabitin sa inyong bakasyon, narito ang ilang fun weekend activities na pwede mong gawin ngayong Abril sa Metro Manila:

Visit floating book fair

Location: 25th Street, Port Area, Manila

Nakadaong ngayon sa Maynila ang Duolos Hope, ang tinaguriang “largest floating library” sa buong mundo. Ang MV Duolos Hope ay barkong pagmamay-ari at ino-operate ng Good Books for All o GBA Ships e.V., isang non-profit organization na nakarehistro at nakabase sa Germany. 

Layon ng floating book fair ang magbigay ng “literacy and education, cross-cultural cooperation, and social awareness” sa pamamagitan ng iba’t ibang aklat na dala nito. Nasa 5,000 na libro ang makikita sa floating library na may iba’t ibang genre tulad ng children’s book, fiction, classics, at encyclopedias.

Bukas ang Duolos Hope sa publiko mula 11 a.m. to 5:30 p.m. tuwing Martes hanggang Huwebes, at 1 p.m. to 7:30 p.m. tuwing Biyernes hanggang Linggo. Sarado ito tuwing Lunes. Mananatiling nakadaong ang international book fair sa Manila hanggang April 14, bago ito maglayag patungong Batangas sa April 16.

Nagkakahalaga ng P50 ang tickets para sa adults, habang libre naman ang admission ng mga batang edad 12 pababa at senior citizens na edad 60 pataas. Mayroon ding P6 na port fee.

Attend Pet Summit PH

Location: Ayala Malls Manila Bay, Parañaque City

Pwede mo ring dagdagan ang iyong special moments kasama ang iyong beloved pets sa pag-attend ng Pet Summit Philippines, ang tinaguriang “largest pet trade show” sa bansa. Gaganapin ito ng tatlong araw, mula April 12 to 14.

Iba’t ibang mga aktibidad ang naghihintay sa pet owners at kanilang pets sa 10th year anniversary ng Pet Summit Philippines, na hindi lang nakatutuwa kundi kapupulutan din ng mga aral tungkol sa proper pet ownership. Magkakaroon kasi ng educational workshops tungkol sa pet grooming, obedience training, at pilates.

Pero isa sa mga kinasasabikang activity ay ang “Royal Rescues on the Runway” na magtatampok sa rescued at re-homed pets suot ang kanilang royal-themed outfits sa entablado. Ang pets na mag-i-stand out ay tatanghaling Best Dressed Royalty, Regally Creative, at Runway Star.

Tampok rin sa event ang iba’t ibang pet fair staples tulad ng pet care products and services. Libre ang admission para sa Pet Summit Philippines at kinakailangan lamang mag sign up online para sa kanilang QR code na ipapakita sa event.

Witness Boni Viva Luci festival

Location: Bonifacio High Street, BGC, Taguig City

Unleash that art junkie in you sa pag-attend mo sa Boni Viva Luci, isang lights and arts festival na inilunsad ng Bonifacio Global City (BGC) ngayong buwan, mula April 6 to 14.

Tampok sa event ang samu’t saring art installations na may kinalaman sa kalikasan. Ilan sa mga ito ay ang naglalakihang artworks ng iba’t ibang endangered species gaya ng pawikan at tarsier na ginamitan ng iba’t ibang kulay ng ilaw. Mayroon ding art installation na dandelions at larawan ng mga bulaklak na naka-display sa malaking LED screen.

Ilan pa sa illuminated nature-themed masterpieces ay ang: “LuminiSense: Our Place in the Cosmos,” “Mebuyan Cradle,” “Into the Shadows are Heroes,” “Behold the Eclipse, Behold the Light,” “Celestial Waltz,” “Entanglement: Adarna to Bakunawa,” at “Reimagined Chandeliers.”

Makikita ang nature-inspired installations sa iba’t ibang lugar sa Bonifacio High Street, kabilang na ang High Street South block at Terra 28th Park.

Komiket South

Location: Robinsons Las Piñas

May isa pang art activity para sa mga artist at art enthusiast sa southern part ng Metro Manila ngayong weekend: Komiket South na gaganapin mula April 12 to 14 sa Las Piñas.

Pagkakataon naman ito ngayon ng Southies na magka-access sa mga bagong komiks, zines, stickers, prints, at iba pang merchandise gaya ng beaded accessories at acrylic charms na likha ng local artists. 

Siguradaong maraming pagpipilian ang attendees dahil dose-dosenang exhibitors ang lalahok sa tanyag na komiks art market sa Pilipinas. 

Try journaling with Journal Tambay

Location: Odd Cafe, Makati City

Isa ka rin ba sa mga mahilig mag-journal? Yung tipong gusto mong isinusulat sa notebook ang iyong schedules at to-do list para maging organisado? Hilig mo rin bang isulat ang iyong mga naiisip o feelings? O ‘di naman kaya’y i-express ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagdo-drawing?

Kung oo, marami ka pang matututunan tungkol sa pagjo-journal sa Journal Tambay na gaganapin sa April 20. Ito ay isang “pop-up and memory-keeping event” kung saan mas lalawak pa ang iyong kaalaman sa journaling sa mga nakahandang workshops sa naturang event.

Para sa taong ito, mayroong apat na workshops ang Journal Tambay na magtuturo ng mga bagong journaling technique: “Journaling with Intention,” “Visual Journaling,” “Ephemera Journaling,” at “Journaling for Busy Days.”

Bukod sa workshops, siguradong ma-e-enjoy din ng participants ang artist merchandise kung saan sila makabibili ng gamit para sa kanilang journal, photo printing station kung saan sila pwedeng mag-print ng pictures para sa kanilang journal spread, tarot reading, at communal journaling area kung saan pwede silang gumamit ng stickers, tapes, at iba pang materyales sa pagdidisenyo ng kanilang spreads.

Nagkakahalaga ng P50 ang admission fee para sa communal journaling station, habang P200 kada session ang workshop fee.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter