fbpx
Search
Close this search box.

Pasada ng makabagong jeep: Ang krus ni Tatay Jesus

by Aeron Pineda

DI pa tumitilaok ang manok, manibela ng jeep na agad ang hawak ni Tatay Jesus. Sa loob ng dalawang dekada ganito ang umaga niya kasama ang mga kapwa niya driver. 

Sinasalubong ang mga pasahero at inuunahan ang araw na lumitaw upang makarami o kumita man lang ng maliit na halaga. Sa loob ng isang araw, swerte na kung kumita si Tatay ng P700 o P1,000 sa apat na balikan sa kanyang ruta.

Karamput na halaga para sa tatlong anak niyang nag-aaral pa at dagdag din diyan ang kakainin nila sa araw na yun. Pero ayon kay tatay, yun ang kinagisnan niya at nakatulong sa kanya dahil sa tatay niya pa mismo ito namana.

Malaking dagok para sa katulad ni Tatay Jesus ang modernizaiton program ng pamahalaan dahil hindi lang kultura ang pinaglalaban nila kundi mismong buhay ng mga asawa at anak nila.

Sa kabila ng pag-usbong ng mga modern jeepneys hindi pa rin pabor si Tatay Jesus sa ganitong programa pero wala siyang magawang paraan para kumita ng pera kaya pikit-mata niya daw itong susundin.

Hindi {ko} siguro kakayanin yun, mahihirapan {ako}… wala akong magagawa pa rin papasok pa rin sa modern kapag wala na talagang jeep, talagang papasok na {ako} sa e-jeep”

Tatay Jesus

SUGGESTED STORIES:

How Social Media Rewards the Spread of Fake News

YOU’RE scrolling through your feed when a post stops you.

Philmar Alipayo breaks silence: “Totoo lahat yun” 

FILIPINO vlogger Philmar Alipayo confirmed the issue involving him and.

BI Warns of human trafficking scheme forcing Filipinos into catphishing

THE Bureau of Immigration (BI) expressed serious concern over the.

Dagdag pa ni Tatay Jesus, ang pitong taon na bayarin para sa mahigit P2 milyon na modern jeep ay malaki masyado kaya naman kung sakaling kukuha na siya ay doble pagod din ang kailangan upang mapagkasya ang kikitain para sa paghuhulog at sa pamilya niya.

Nauna ng sinabi ng pamahalaan na tutulungan nila ang mga tsuper sa pasanin na dala ng modernization program na kanilang sinusulong ngunit maraming mga transport group ang nakukulangan sa ibibigay na tulong.

Ayon sa tala naman ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) nasa mahigit 60 percent pa lang nasa modernization program kung saan malapit na rin ito sa target ng ahensya na 95 percent.

Kailangan sumali ng mga traditional jeepney drivers na maging myembro ng isang kooperatiba upang mapasama sa mga posible pang makabyahe pagtapos ng palugit na December 31.

Kabilang si Tatay Jess sa mga huling pumasok na sa kooperatiba sapagkat mahihirapan siyang makabyahe at kumita kung mawawalan siya ng prangkisa dahil hindi siya myembro ng kooperatiba.

Bukod sa mababang kita hIndi rin maiwasan ng mga katulad ni Tatay Jesus na malungkot dahil kung iisipin lang daw na gagabihin sila dahil sa kota system ng mga kooperatiba sa modern jeepney mawawala na agad ang ilang oras na kasama ang pamilya.

Talagang mahirap talaga, samantalang sa {traditional} jeep kasi kumita ka ng P700 hanggang P1,000 maaga aga ka pang uuwi kasama mo pa pamilya mo. Samantala sa modernized {jeepney} ang pamilya mo aabutan mo na tulog dahil sa gabi kana uuwi”

Tatay Jesus

Isipin rin ng tsuper ang maintenance ng unit na ibibigay sa kanya, dahil hindi niya ito kontrolado at ang kooperatiba ang magpaayos nito na posible din na pagmulan ng panibagong utang. Kung ikukumpara daw kasi sa traditional na hawak niya ngayon siya na mismo ang nag aayos at tumitingin nito, kasama na rin ang mas murang pyesa nito na mahahanap lang sa maliliit na talyer at kasa.

Ang mga hinaing na ito ay hindi lang si tatay Jesus ang nakakaranas, hindi lang din siya ang napipilitan na sumabay sa kung anong programa ang isinusulong ng pamahalaan para sa transportasyon. Marami pang hirap na mga tsuper ang hindi nagsasalita dahil hindi din alam ang nangyayari sa modernization program na gustong ipatupad ng pamahalaan at kung minsan pa nga pikit mata na lamang itong tatalima sapagkat ayaw mapagkamalan na komunista.

Last ride for ‘erpats’

PBBM says jeepney modernization necessary, but gov’t is willing to tweak it

Transport groups end strike after Palace meet; gov’t to review modernization program 

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.