fbpx
Search
Close this search box.

Shoe cleaning business ng mag-asawa, patok na patok

by Bryan Gadingan

KADALASANG problema sa puting sapatos ang paninilaw, na kahit pa linisin at ibilad sa araw, hindi na mabalik sa dating kulay. Kaya, pumatok ang mga shoe cleaning business, dahil pagod at ubos oras ang maglinis ng sariling sapatos.

Para sa sneakerheads, hindi lamang pagbebenta ng sapatos ang maaaring pagkakitaan sa panahon ngayon. Marami na rin ang nag-aalok ng shoe cleaning services bilang negosyo.

Isa na lamang ang mag-asawang Bong at Suzette Enguero na taga-Valenzuela City. Mula sa P5,000 puhunan, kumikita na ngayon ang negosyo nilang Shoelotskey nang hanggang P100,000 buwan-buwan.

Photo Courtesy: GMA 

Kwento nila sa programa ng GMA na “Pera Paraan,” nagmula ang inspirasyon sa kanilang negosyo noong sumali sa isang singing contest sa GMA ang kanilang anak na si Psalms David noong 2018. At nais ng ina na puting sapatos ang isuot ng anak kaya naman nilinis niya ito. Perp, nanilaw at natanggal ang dikit ng swelas nang ibilad sa araw. 

Napilitan maghanap ng gagawa si Suzette, at hindi nila maiwasan ng kanyang mister na manghinayang sa P500 na ibabayad nila para sa pagpapalinis at pagpapaayos nito.

Naisip ni Bong na magsimula rin ng sarili nilang shoe cleaning business. Ang Shoelotskey ay cleaning at minimal restoration. Sinimulan nila ito sa kanilang bahay na may puhunang P5,000.

Ngayon, marami nang dumarayo sa kanila at umaabot ng 200 pairs ng sapatos ang ipinapalinis sa kanila sa isang linggo. Umaabot ng halos P90,000 hanggang P100,000 ang kinikita nila kada buwan.

Paraan ng paglinis

Marami ang magtatanong, paano nga ba ang tamang paraan ng paglinis ng sapatos? Lalo na sa init ng panahon ngayon, nasisira ang mga sapatos.

Ayon sa mister, ang pagbilad sa araw ay isang bagay na dapat iwasan ng mga naglilinis, dahil ito ang dahilan kung bakit humihiwalay ang swelas ng sapatos.

Anya, dapat ding iwasan ang paggamit ng matatapang na sabon, tulad ng bleach, lalong lalo na kung makulay ang sapatos. Ang paggamit ng tubig bilang panlinis ay sapat na, at kung gagamit man ng sabon dapat na konti lang.

Photo Courtesy: GMA 

Hindi rin lahat ng sapatos ay pwedeng linisin ang loob. May ibang uri ng sapatos na nagkakaroon ng amoy kapag binasa ang loob, kaya naman mas mabuting ang ibabaw at ang swelas lang ang linisin.

Sa kanilang shop, P225 hanggang P275 ang kanilang singil sa basic cleaning na mayroong minor reglue ng sapatos. Tiyak na mura ang kanilang singil, at kahit pa ganito, nakaipon parin sina Bong at Suzette.

Nakabili na sila ng sariling bahay at sasakyan, pati na rin ang mga gamit sa kanilang bahay. Marami mang nagastos para sa kanilang mga naipundar, mayroon pa rin silang savings na naitabi mula sa kanilang negosyo.

Tunay na nakaka-inspire ang kwento sa likod ng kanilang negosyo. Take it as a sign na huwag matakot simulan ang inyong mga nais pagkakitaan, malay niyo’t narito lang ang pera.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter