fbpx
Search
Close this search box.

Saudi Arabia, sasabak na sa Miss U pageant

by Joanna Deala

SA kauna-unahang pagkakataon magpapadala na ang Saudi Arabia ng kandidata nito sa prestihiyosong Miss Universe 2024 pageant.

Sa Instagram post, inanunsyo mismo ng beauty queen at modelong si Rumy Alqahtani na siya ang kakatawan sa Saudi Arabia sa international pageant stage.

“Honored to participate in Miss Universe 2024,” ayon sa translated caption ni Alqahtani.

Sa isa pang post, nagpasalamat ang 27-year-old beauty queen sa suportang kanyang nakukuha sa kanyang mga kaibigan at sa social media.

“I am happy because I am the first Miss Saudi Arabia to represent my country in international competitions,” pahayag niya.

Hindi na bago para kay Alqahtani ang sumabak sa beauty pageants. Base sa kanyang Instagram bio, marami na siyang titulong napanalunan kabilang na ang Miss Arab Peace at Miss Europe Saudi Arabia.

Sa panayam ng Arab News sa kanya nitong nakaraang buwan, ibinahagi ng Riyadh-born beauty queen na layunin niyang ibahagi ang kanyang kultura sa ibang bansa sa pagsali niya sa international competitions.

“My contributions are to learn about world cultures and to transfer our authentic Saudi culture and heritage to the world,” ayon kay Alqahtani. 

Gaganapin ang 73rd edition ng Miss Universe pageant sa Mexico, kung saan kokoronahan ang successor ni reigning Miss Universe Sheynnis Palacios ng Nicaragua.

MUPH pageant

Samantala, naghahanda naman ang Miss Universe Philippines (MUPH) organization na koronahan ang susunod nitong kandidata sa Miss Universe 2024 pageant at magiging successor ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Ipinakilala na ng organisasyon ang ilang mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para sa national competition. 

Naglabas na rin ito ng official headshots, evening gown photos, swimsuit photos, at introduction videos ng mga kandidata kung saan nagbahagi sila ng fun facts tulad ng kani-kanilang mga propesyon at kinahihiligan.

Bukod dito, mayroon ding “Her Story” videos ang mga kandidata para talakayin ang kanilang mga adbokasiya.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter