fbpx
Search
Close this search box.

Republika ng plastik

by Joyce Remo

MARAHANG dumapo sa balat ng siyam na taong gulang na si Bernard ang maligamgam na hanging umiihip sa kahabaan ng Isla Puting Bato sa Tondo.

Kauupo pa lang ng Haring Araw sa kaniyang trono sa langit ngunit nagsisimula nang magbanat-buto ang paslit. 

Mula pitong taong gulang pa lamang ay sinusuyod na ni Bernard ang Manila Bay upang mangalakal ng mga plastik na nagbabalat-kayo bilang mga isdang lumalangoy sa tubig na may halong burak at basura.

Di alintana ang panganib na nagkukubli sa mga agos na galing sa mga dambuhalang barkong tumatawid sa puso ng dagat, karamay ni Bernard ang nakatatandang kapatid at pinsan sa pagsagwan sa tubig gamit ang bangka-bangkaang gawa lamang sa styro.

At kahit ipinagbabawal ng mga nakaluklok sa kapangyarihan, kung minsan naman ay kakailanganin pa ng batang sumisid at lumangoy sa malagkit at malabong dagat upang isalba ang mga nalulunod na bote ng plastik saka ihahatid at ibebenta ang mga ito sa isa sa mga junk shop sa pangpang ng isla.

Plastik na daluyong

Akala mo’y sarili nitong mga puslit, sandamakmak na plastik na basura ang nakayakap sa mga bisig ng Isla Puting Bato.

Matagal nang iniinda ng mga residente ng isla ang problema sa basura ng lugar. Isa ang Isla Puting Bato sa mga lugar sa Maynila kung saan malaking dagok ang pagkolekta ng mga basura sa loob ng komunidad. Kaya naman ay laganap din ang ilegal na pagtatapon ng basura kung saan-saan, lalong-lalo na sa Manila Bay.

Ayon sa ulat ng World Bank noong 2021, nasa 2.7 milyong toneladang plastik ang nililikha ng Pilipinas kada tao, at 20% nito ay ibinubuga ng mga tao patungo sa mga tubig na nakapalibot sa topograpiya ng bansa, kabilang na ang Manila Bay.

Ang isa pang nagpapalala ng dalitang dulot ng plastik ay ang malawakang paggamit ng nakatinging produkto sa merkado. 

Dahil walang kapasidad na bumili ng bultuhan, pinagkakasya ng mga pangkaraniwang pamilya ang buwanang kita sa pagtangkilik ng mga naka-sachet para makaagapay sa araw-araw na pangangailangan.

SUGGESTED STORIES:

PAGASA expects La Niña during third quarter of 2024

The Philippines’ state weather bureau expects the La Niña phenomenon.

Why aurora borealis can’t be seen in PH

THE NIGHT sky in some parts of the globe recently.

Transgender woman, bawal sa CR ng babae?

NAG-TRENDING sa social media ang isang video ng transgender woman.

Kung hahati-hatiin ang pagkonsumo ng sachet sa populasyon ng bansa, lumalabas na hindi bababa sa isang sachet ng basura ang nililikha ng bawat isang Filipino o katumbas ng 163 milyong sachet kada araw.

Ito ay dahil bahagi na ng pamumuhay ng mga Filipino ang plastik. Mula sa lalagyan ng mga pinamiling pagkain, inumin, shampoo – plastik ang ginagamit.

Kaya naman hindi na kataka-taka na isa ito sa mga may pinakamalaking ambag sa hindi masolusyonang problema sa plastik, ayon sa pag-aaral ng Sea Circular, isang inisyatibo ng UN Environment Programme.

Batas laban sa polusyong dulot ng plastik

Upang matugunan ang lumalalang polusyon ng plastik, naisapatupad ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na naglalayong mabawasan at makontrol ang pagdami ng plastik na basura sa tulong ng mga integrated solid waste management plan na ipatutupad kada barangay.

Subalit ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nananatilling nasa mga hanay ng mga residente ang ugat ng problema dahil sa kasalatan ng kamalayan ng mga ito tungkol sa kahalagahan ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa kani-kanilang mga tahanan.

Nais ding ipaalala ng ahensya na ang kapabayaang ito ay bumabalik din sa mga tao. 

Isa pa sa mga batas na kasalukuyang umiiral upang tugunan ang tunggaliang nakasentro sa polusyong dulot ng plastik ay ang Republic Act 11898 o ang Extended Producer Responsibility Act.

Layon ng batas na ito na atasan ang mga korporasyong gumagawa ng plastik na bumuo ng programa para mabawasan ang basurang dulot ng kanilang mga produkto.

Sa pamamagitan ng epektibong recovery, treatment, reuse at recycling method, target ng pamahalaan na sa pagtatapos ng 2028, ang plastic waste recovery at recycling sa Pilipinas ay tutungtong na sa 80%. 

Puntirya rin ng batas na mabawasan ang single o multilayered plastic gaya ng mga sachet, single-use plastic bag at plastic packaging products gaya ng lalagyan ng pagkain at inumin – mga plastik na kadalasang inaanod at palutang-lutang sa dagat na kasama sa mga kinakalakal ng mga gaya ni Bernard.

May pera sa basura

Limangpung piso lamang ang katumbas ng mahigit tatlong oras na pakikipagsapalaran ng mga bata sa Manila Bay, na agad naman nilang ginagasta upang bumili ng pagkain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.

Kung tutuusin, kakarampot lamang ang kita ng grupo ni Bernard mula sa pangangalakal ng plastik sa Manila Bay.

Subalit ayon sa magulang ni Bernard, nakatutulong ang perang ito mula sa basura upang makaraos sila sa hirap na dinadanas sa buong araw.

Nakakatulong din po minsan may time po na wala kaming almusal, may time po kami na nagkakasya lang yung ano ng asawa ko, ilan po yang binubuhay namin, lima,”

Jhoana Laforteza, nanay ni Bernard

Habang may plastik, may dahilan ang mga gaya ni Bernard para makipagsapalaran sa dagat sapagkat ang perang katumbas ng plastik ay malaking tulong na sa mga gaya niyang salat sa buhay.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter