fbpx
Search
Close this search box.
DepEd introduces revised K-10 curriculum

Private schools, maaaring hindi magbago ng school calendar – DepEd

by Carl Santos

HINDI kailangang sumunod ng mga private school sa mga pagbabago sa school calendar, ayon sa Department of Education.

Itinakda kamakailan ng DepEd ang pagtatapos ng School Year 2023-2024 para sa mga pampublikong paaralan sa Mayo 31. Ito ay mas maaga ng dalawang linggo sa orihinal na petsa na Hunyo 14.

Related Article: DepEd moves end of SY 2023-2024 to May 31

”Mayroon tayong mga private schools that opened ng July and June. So definitely, itutuloy nila iyang calendar nila na iyan. Pero iyong mga private schools na sumabay sa public schools na nag-open noong August, hindi naman sila mandatory na mag-adjust ng kanilang school calendar,” sabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas sa isang panayam ng PTV nitong Huwebes.

”They still have the option to maintain their approved calendars or adjust accordingly.”

Ang School Year 2024-2025 ay nakatakdang magsimula sa mga pampublikong paaralan sa July 29, 2024 at magtatapos sa May 16, 2025.

Inaasahan naman ng DepEd na makakabalik ang bansa sa nakasanayang June class opening sa School Year 2026-2027.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter