fbpx
Search
Close this search box.

Pares with unli swimming, patok na patok

by Bryan Gadingan

ANUMANG init ng panahon, hindi pwede na hindi mag-crave ng isang tasa ng pares, lalo na kung may kasama itong napakasarap na sahog gaya ng lechon kawali, baka, at iba pang lamang loob kung tawagin. 

Kanin man o mami ang kasama, talaga nga namang nakakatakam. Bukod sa napakasarap nito, ito rin ay napakamura at napakabilis hanapin. Anumang kalsada sa Maynila ang iyong lakaran, tiyak na may nagbebenta nito.

Sikat na sikat ngayon ang iba’t ibang pares shops, isa na nga lang ang trending din ngayon na social media si Diwata. Pares overload, o pares na punong puno ng iba’t ibang karne, ang napakamabenta ngayon.

Tinalbugan nga lang ito ng pares shop ng isang sikat na entrepreneur, vlogger, at CEO ng the skincare brand Rosmar Skincare, na si Rosemarie Tan. Naging usap-usapan sa Facebook ang kanyang offer sapagkat ito ay talaga nga namang kakaiba.

Rosemar Pares Overload

Ang bagong pares business, na pinangalanan niyang “Rosemar Pares Overload,” ay agaw atensyon dahil sa presyo nitong nagsisimula sa P100 per serving, at may kasamang “unlimited rice and soup” at “unli swimming.”

Lalong na-enganyo ang mga netizens matapos i-announce ni Rosmar ang pagbubukas ng bagong branch ng kanyang paresan sa R Mansion Tagaytay Resort and Resto Bar sa Laguna. 

Ang ideya na makakakain ka ng napakasarap na pares, at pwedeng magswimming pagkatapos nito ay higit na nakuha ang interes ng mga netizens. Isang unique experience na talagang sulit.

@rosmartan Replying to @zellery pin: r mansion resort & restobar calauan laguna🥰❤️#rosmar #PINAKAMALAKAS ♬ original sound – ROSMAR

“Hindi lang po swimming pool ang pwede mong gamitin nang libre basta kakain kayo sa R Mansion Resort and Restobar sa Calauan, Laguna,” ibinahagi niya sa video.

“Unli beer pong din po. Pwede ring tumambay sa ating mga kubo. Meron din tayong air conditioned tables and chairs.”

Kung titignan pa lamang ang kanyang mga social media posts, maraming nais sumubok, at marami na rin ang dumayo para subukan ang nasabing package na ino-offer ni Rosmar. Inulan din ng papuri ang influencer, dahil sa pagsubok sa kakaibang business.

Tiyak na papatok ang ganitong klase ng negosyo, hindi lamang dahil sa pag-crave ng netizens sa pares, kundi dahil na rin sa libreng swimming na kasama nito.

Sa init ng panahon, sino nga ba ang hindi willing kumain saglit ng pares, at saka bumawi sa swimming pagkatapos. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter