fbpx
Search
Close this search box.

Panlaban sa matinding init: Samalamig, halo-halo, at iba pa

by Bryan Gadingan

MAINIT na nga, inaasahang mas magiging mainit pa pagdating ng Mayo!

Ito mismo ang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kaya’t dapat mayroon tayong mga panlaban sa mapanganib na heat index.

Ano pa nga ba ang instant na solusyon? Aba’y ang sikat nating mga sago’t gulaman at mga halo-halo ang sagot diyan!

Ngayong tag-init, walang ibang hanap ang mga Pilipino kung hindi aircon, kasabay ng mga pagkain o dessert na makakatulong din sa pagpawi ng init na nararamdaman nila na dala ng summer season.

Ang mga con yelo at halo-halo ang ilan sa pinaka patok na panghimagas hindi lamang ngayong El Niño season, kung hindi tuwing summer taon-taon. Bukod sa ito ay mabenta, ito ay abot kaya rin simulan ng kahit sino.

Ayon sa programa ng GMA, maraming mabibilhan ng sahog ng halo-halo.  Ngunit sa Blumentritt Market sa Manila, makakabili ka ng tingi-tingi, sa presyong napakababa na rin.

Sa kasalukyan, P2.00 kada piraso ang gulaman, P40 per kilo naman ang sago, at P25-35 per plastic ang kaong at garbanzos. Habang ang beans, munggo, at minatamis na saging ay P30.

Habang sa sikat na toppings ng halo-halo, ang macapuno at langka ay nagkakahalagang P45. Ang leche flan ay P50-60, at ang ube naman ay nasa P100 per kilo.

Murang mura na ang mga presyong ito para sa tingi-tingi. Kung iisipin din, mas makabubuting tingi-tingi na lamang ang bilhin kaysa malaking bote ng ingredients, para mas mabilis na maubos ang paninda.

Photo Courtesy: MESA

Bukod pa rito, mas makasisigurong tamang dami lamang ang mabibili kapag tingi-tingi, at hindi na kinakailangang maglagay sa ref ng paninda pagkatapos ng buong araw na pagtitinda.

Makakaiwas rin sa anumang problema ang mga tindero/tindera na masira ang mga sahog dahil pagkatapos mabilad sa araw ang sahog, ay ilalagay muli ito sa ref, at mabibilad muli kinabukasan sa arawan.

Eh kung sago’t gulaman? Siyempre meron ka nang gulaman, sagot.

Dagdagan natin ng pulang asukal, at ang vanilla flavor!

Ihalo, dagdagan ng yelo! 

Nauhaw din ba kayo? Tara, bili tayo sago’t gulaman o kaya mag-halo-halo tayo!

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter