INALIS na ng lokal na pamahalaan ng Makati ang mga street sign na may nakasulat na “Gil Tulog” sa Gil Puyat Avenue na ginamit umano para sa advertising campaign.
Pinatungan ng “Gil Tulog Ave.” ang street signs at maliit na “Formerly Gil Puyat” sa ilalim nito.
Kinuwestiyon ng mga nagtatakang netizen ang pagpapalit ng pangalan ng Gil Puyat Avenue.
Agad pinaalis ni Makati Mayor Abby Binay ang “Gil Tulog” street signs. Aniya, walang basbas ng kanyang opisina ang pagpapalit sa pangalan ng kalye. Sabi pa ng alkalde, hindi rin papasa sa kanya kung sakali mang ipinaalam sa kanya ang sinasabing ad campaign.
“The city officials who issued the permit should have exercised prudence. They should have been more thorough,” ani Binay.
Dapat daw ay inisip ng city officials ang kaguluhang maaaring idulot sa mga motorista at commuter ng pagpapalit ng road sign.
Binigyang-halaga at respesto rin aniya sana ang pamilya at alaala ng yumaong dating Senate President Gil Puyat.
“I have already reprimanded these officials for this glaring oversight,” pahayag ni Binay.
Humingi rin ang alkalde ng paumanhin sa pamilya ni Puyat at sa mga Pilipino.
‘Disrespectful’
Naging katatawanan man sa iba ang viral “Gil Tulog” road signs, hindi naman ito ikinatuwa ng ilang at sinabing nakakabastos para sa dating senador ang advertising campaign.
Isa sa mga pumuna ang apo sa tuhod ni Puyat na si Erika Puyat Lontok.
“Besmirching my late great grandfather’s name to sell freaking melatonin is so disrespectful!” pahayag niya sa Facebook.
renaming "Gil Puyat" to "Gil Tulog" just for a marketing tactic is beyond disrespectful. shame on the organization and committees for approving this clout-chasing phenomenon.
— G ✨ (@gewawd) July 25, 2024
Kinwestiyon din ng ibang netizen kung paano nakalusot sa lokal na pamahalaan ang kampanyang ito, gayong posibleng makaapekto ito lalo na sa mga bagong salta sa Makati.
So apparently the temp change from Gil Puyat to Gil Tulog is just a marketing tactic from a melatonin brand “W.” Lumusot to sa Makati LGU? For what price? Not considering the disrespect to former Sen. Gil Puyat and possible confusion to new makati visitors and motorists? pic.twitter.com/7MlUW5frzV
— DJ 李 🐶☕🌸❤️🩹🏋️♂️📺🐱 (@iamjery) July 25, 2024
Anila, dapat managot ang mga taong nasa likod ng advertising campaign.
Unauthorized renaming of Gil Puyat Ave to "Gil Tulog" is disrespectful and unconstitutional. We must uphold our laws and honor our historical landmarks. Strict sanctions are needed for those behind this, especially if it’s a marketing ploy.
— mggp_ (@mcpadaoan) July 25, 2024
Sino si Gil Puyat
Ipinanganak si Puyat noong September 1, 1907. Anak siya ni Don Gonzalo, founder ng isa sa mga naunang business empires sa bansa.
Kumuha si Puyat ng kursong komersyo sa University of the Philippines, at naging Economics Professor kalaunan.
Naging dean si Puyat ng College of Business Administration ng UP sa edad na 33, ang pinakabatang dean ng unibersidad.
Naluklok bilang senador si Puyat noong 1951 at nanilbihan sa senado hanggang 1973. Anim na taon siyang nagsilbi bilang Senate President.
Bilang mambabatas, nagpatupad siya ng mga reporma kaugnay sa paghawak ng pera ng bayan. Pangunahing kontribusyon niya ang Budget Act.
Dalawang taon mula noong pumanaw si Puyat noong March 1980, ipinangalan sa kanya ang dating Buendia Avenue sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 312.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?