UNA nang nag-viral ang spelling error sa signage sa isang istasyon ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1. Ngayon, may bagong pinupunang mali ang netizens sa isa pang signage sa parehong linya ng tren.
Sa isang litrato ng signage sa Pedro Gil station na kumalat na sa social media, napansin ng netizens na nawawala ang salitang “the” sa “University of Philippines Manila” na nakalagay sa signage.
Sabi ng isang social media user na nag-repost ng litrato ng signage sa Facebook, “getting out of hand” na raw ang ganitong errors sa mga signage sa LRT-1.
May mga pabirong comment din ang ibang netizens tungkol dito.
“Safe naman sir walang the. Baka kasi maging tha, gaya ng investagation,” sabi ng isa.
“Mahirap naman basta sabihing kulang ng ‘the’… baka ang gawin is THE UNIVERSITY OF PHILIPPINES MANILA,” dagdag ng isa pang netizen.
Iminungkahi naman ng ilan na sana ay “UP Manila” na lang ang ilagay sa signage.
“UP Manila if can’t really fit the whole name,” suggestion ng isang Facebook user.
Kaagad din naman itong nakita ng pamunuan ng LRT at pinasalamatan ang “eagle eyes” na nakapansin ng mali sa signage.
“Don’t worry, our team is already working on it. Thanks for helping us shine a light on the situation,” comment nito.
Pero ilang netizens ang hindi napigilang kwestyunin ang pamunuan ng linya ng tren at sinabing paanong nakalusot ang ganitong kamalian.
Comment pa ng isa, “Eagle eyes? Eh hindi nyo nga nakita kung hindi pa pinuna ng netizens.”
Ayon sa mga ulat, tinakpan na ang salitang “University of Philippines Manila” sa signage.
Nito lamang nakaraang linggo, nag-viral ang isang signage sa United Nations station sa LRT-1 dahil sa maling spelling ng “National Bureau of Investigation.” Imbes kasi na “investigation,” ang nakalagay sa signage ay “investagation.”
Tinakpan din ng itim na tape ang typograhical error bago ito napalitan ng bagong signage na may tamang spelling.
That one signage might be a little "letterally challenged" sometimes, but rest assured our trains are running smoothly to bring you safely where you need to go. Our team is already working on the updated signage today. Ingat po! pic.twitter.com/4o2zDTzpuu
— Light Rail Manila Corporation (@officialLRT1) March 15, 2024
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?