fbpx

Rider na nabasa ang selpon sa San Juan Festival, nagreklamo

by Bryan Gadingan

PATULOY ang paglitaw ng mga nagrereklamo sa nagdaang Wattah Wattah Festival sa San Juan City noong Hunyo 24, matapos ireklamo ng rider ang pagbatok sa kanya at sa nasirang cellphone nito.

Dumiretso sa tanggapan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang rider matapos mabasa at masira ang kanyang selpon, at nabatukan pa matapos itulak ang residenteng nambasa sa kanya nakaraang linggo.

Rider na nabasa ang selpon sa San Juan Festival, nagreklamo.

Photo Courtesy: @gianrussel30 | TikTok

Ayon sa ulat ng GMA News, ang rider na si Eustaquio Rapal ay pormal na nagreklamo nakaraang Biyernes, matapos ibahagi ng San Juan Mayor na handa silang imbestigahan ang mga insidente.

“Pumunta na sila sa barangay kanina at ni-review ang CCTV ng barangay kung saan na-identify ni Ginoong Rapal at ng ating mga barangay officials ang tao na nanggulo,” sabi ni Zamora.

Hindi rin pinabayaan ng alkalde si Rapal, at personal na sinamahan ito upang maghain ng reklamo sa San Juan City Prosecutor’s Office. Ayon pa sa rider, siya ay natigil lamang sa trapik habang papunta sa Mandaluyong nang lapitan siya ng residente.

“Pinigilan ko po ito, nagsabi po ako na ‘Boss, wag po muna kasi mababasa yung cellphone ko at saka ‘yung laman po nito ay mga documents,” ibinahagi ni Rapal sa isang panayam.

“Ngunit hindi po ako pinagbigyan, binasa pa rin po ako hanggang ‘yung cellphone ko po ay nasira kasi nabasa po ng tubig. Pagkabasa niya po sa akin, napamura po ako kasi nabasa ‘yung cellphone ko.”

“Pagkatapos po nun, hinampas po ako dito sa ulo. Pagkatapos niya po akong hampasin sa ulo, umalis na siya tapos yung ibang mga tao po doon pinagbabasa na po ako ng tubig,” sabi ng rider.

Siniguro naman ni Zamora na papalitan ang nasirang selpon na ginagamit ng rider, at babayaran din ang nawalang kita nito dahil sa perwisyong naidulot ng pambabasa sa kanya.

Matatandaan na hinikayat ni Mayor Zamora nitong Huwebes ang mga naperwisyo na magsampa ng kaso laban dito. Iniisa-isa na rin nila ang mga taong lumabag sa kanilang ordinansa.

Photo Courtesy: @gianrussel30 | TikTok

Sa ilalim ng City Ordinance No. 51, series of 2018, maaaring magmulta ng P2,500-P5,000 at makulong hanggang anim na araw ang mga nanggulo at namerwisyo sa pista.

“We are now identifying everyone who violated our city ordinance. Na-identify na namin ng one by one sa pamamagitan ng ating mga barangay captains, barangay officials, mga residente. In fact, marami na pong nagvo-volunteer ng information ngayon…Kakasuhan isa-isa,” sabi ng alkalde.

Nagkalat din sa iba’t ibang social media ang mga kuha ng litrato at bidyo sa mga residenteng mapanadyang nanggugulo sa daloy ng trapiko. 

Marami ay mapanadyang binubuksan ang pinto para mambasa, at sumasampa pa sa mga dumadaang sasakyan. Viral din ang lalaking nakadila pa habang walang magawa ang rider na binabasa nito.

Pinakinggan din ni Zamora ang hinaing at rekomendasyon ng mga netizens para sa mga susunod na taon. Plano nila na gawing basaan zone ang Pinaglaban Road, upang dito na lamang maganap ang nasabing pista, at makaiwas sa gulo.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.