NAGLULUKSA ang local entertainment industry sa pagpanaw ng film producer na si Lily Monteverde, o mas kilala bilang Mother Lily. Siya ay 85.
Kinumpirma ito ni UP Fighting Maroons head coach Goldwin Monteverde, anak ng Regal Entertainment founder, sa GMA News Online. Nakatakda sana niyang ipagdiwang ang kanyang 86th birthday sa August 19.
Wala pang ibang detalye tungkol sa pagkamatay ni Monteverde at kanyang libing.
Pumanaw ang showbiz icon ilang araw matapos ang pagkamatay ng kanyang asawang si Leonardo “Remy” Monteverde, isang dating basketball player, nitong July 29.
Nagpaabot ng pakikiramay ang ilang personalidad sa pamilya ni Monteverde, kabilang na si Senator Grace Poe at Kapuso actress Manilyn Reynes.
“My Ninang Mother always believed in me and assured me whenever I doubted myself. She has helped so many and she will never be forgotten,” ani Poe, anak ni Queen of Philippine Movies Susan Roces at King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr.
“She was, and will always be, a Titan in the Philippine movie industry,” dagdag ng senadora.
Nagpasalamat naman si Reynes sa lahat ng naitulong sa kanya ng namayapang mag-asawa noong siya ay nasa Regal Entertainment pa.
“Father [Remy], bihira man po tayong magkita noon, salamat po at napakabait ninyo sa akin,” wika ng aktres.
“Mother [Lily], hindi ko po makakalimutan ang pagpapatungtong niyo sa akin sa mesa para pakantahin at ipakilala sa members ng movie press at mga kasamahan ninyo at your Greenhills house when I first came here from Cebu, that paved the way and opened so many doors and opportunities for me sa mundong ito ng showbiz,” sabi pa niya.
Pinasalamatan din ni Reynes si Monteverde para sa lahat ng pelikulang kanyang pinagbidahan sa loob ng 10 taon sa Regal Entertainment, kabilang na ang “To Mama With Love,” “Minsan May Isang Ina,” at “Dear Mama.”
Nakiramay din ang Facebook page ng Nowhere to go but UP sa head coach ng UP Fighting Maroons sa pagpanaw ng kanyang mga magulang.
“Coach, our thoughts and prayers are with you; may you find comfort and strength in the love and support of your UP Fighting Maroons family and the entire UP community,” pahayag nito.
Sino si Mother Lily?
Kilala so Monteverde sa Philippine showbiz industry dahil sa pag-produce niya ng daan-daang pelikulang Pilipino, kabilang na ang “Scorpio Nights,” “Mano Po,” at ang iconic horror film series na “Shake, Rattle & Roll” na kinalakihang panoorin ng maraming Gen Zs.
Taong 1962 nang itatag niya ang Regal Entertainment.
Dahil sa kanyang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino, ginawaran si Monteverde ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award sa 37th Film Academy of the Philippines Luna Awards noong 2019.
Nitong nakaraang taon, iginawad din ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Lifetime Achievement Award sa film producer.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?