PINAAALAHANAN ng Department of Trade and Industry ang mga online seller na ipinagbabawal ng batas ang ”no video, no refund” policy.
Sa isang panayam sa Super Radyo dzBB nitong Sabado, sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na maituturing na deceptive sales act ang paghingi sa kustomer ng unboxing video bilang katibayan na depektibo ang item na natanggap mula sa seller.
Ang deceptive, unfair, at unconscionable sales acts or practices ay labag sa Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines.
”’Yung ‘no return, no exchange’ isa rin yan na ipinagbabawal ng DTI kasi karapatan ng consumer na puwede niyang ibalik ‘yung item na nabili niya kapag ito ay depektibo. Kapag ‘yung item ay depektibo, bukod sa ibalik yung item, may option din siya na humingi ng replacement o puwede rin siyang humingi ng full refund ng item na binili niya, puwede rin niyang ipa-repair,” ayon kay Nograles.
“Isang halimbawa ‘yan ng deceptive sales act yung nagpapa-video ka bago tanggapin yung depektibong item.”
Ayon sa DTI, ang mga lalabag sa batas ay mapapatawan ng multa o pagkakulong o pareho, base sa magiging pasya ng korte.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?