fbpx
philippine news

Kuting, pinatay ng senior citizen

by Bryan Gadingan

Trigger warning: mention of animal cruelty

PATULOY pa rin ang pagdagdag ng mga kasong animal cruelty nang magtrending ang isa na namang video sa Facebook, kung saan makikitang walang awang pinaghahampas ang isang kuting sa Olympia, Makati.

Base sa video na pinost ni @Ram Abenir sa Facebook, makikitang nasa isang sulok lang ang pusa. 

Pero bigla itong kinuha ng isang matandang lalaki at saka paulit ulit na pinaghahampas ng kahoy.

Sa gitna ng video, makikitang gumagalaw pa ang buntot ng pusa, na halos naghihingalo na.

Iniwan ito ng matandang lalaki, pero bumalik para ituloy ang ginagawang brutal na pagpatay sa kuting. Sa dulo ng video, makikitang naglabas ng maliit na lagayan ang matandang lalaki upang itapon ang kuting.

Screenshot from video: @Ram Abenir | Facebook

Ayon sa comment ng netizen na nagpost ng viral video, inawat na nila ang matanda noong kinukuha pa lamang nito ang pusa sa likod ng halaman. Pero itinuloy niya ito kaya naisipan nilang kuhanan ng bidyo.

“Inawat na po nung umpisa yung kinukuha nya yung pusa sa likod ng halamanan nya. Ayaw mag pa awat ng hahampas pa. Kaya take a video nalang para maparusahan. Nasa police station na po sya,” ibinahagi ni Abenir.

May ilang netizens naman ang naglabas ng kanilang sama ng loob sa nagpost ng video. Kinukwestiyon nila kung bakit mas pinili ni Abenir na videohan lamang ang pagpatay sa pusa, kaysa awatin muli ang lalaki.

“Bat ganun? Instead na inaawat you still taking videos pa?,” ayon kay Facebook user @Princes Diane Duran. 

Screenshot from comments: @Princes Diane Duran | Facebook

“the moment that the cat was already in danger i would never have doubts saving from that demon. sick of this social media thing…where you get more viral or views you get to be paid. Hayst,” idinagdag ni Facebook user @Maria Theresa Sy.

Screenshot from comments: @Maria Theresa Sy | Facebook

Maaaring patawan ng kaso ang matandang lalaki sa paglabag ng Animal Welfare Act of 1998, lalo na’t may matibay na ebindensyang magagamit laban sa kanya.

“The Animal Welfare Act of 1998 is a significant law in the Philippines that aims to protect the welfare of animals. It prohibits acts of cruelty towards animals, such as maltreatment, torture, killing, and neglect,” ayon sa website ng Attorneys of the Philippines.

Sa ngayon, hindi pa alam ang rason kung bakit pinaslang ng matandang lalaki ang pusa. Ngunit, ano pa mang rason ay hindi sapat upang pumatay ng isang kuting ng walang kalaban laban.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.