Trigger warning: mention of sexual assault and rape
NOONG April 12, ibinahagi ng ama ni “It’s Showtime” host Cianne Dominguez ang isang nakakaalarmang karanasan, nang pagtangkaang pagsamantalahan ng isang gay bar dancer/performer ang kanyang anak.
Ayon sa Facebook post ni Johng Florendo, ang suspect sa nasabing rape attempt ay nagngangalang Shervy S. Torno o kilala rin sa kanyang palayaw na “Ronnie Gray.”
Sinundan umano ng suspect si Cianne sa kanyang condo. Sapilitang pinigilan ni Shervy ang pagsara ng pinto at saka nito sinubukang halikan at hawakan sa baywang.
“Short story is, the suspect followed my daughter to her condo, forcibly preventing the door to be closed and held her waist forcing to kiss her,” ibinahagi ng ama.
Nakuhang makakawala ni Cianne na kung saan natulak niya ang suspek at saka tumakas.
Photo Courtesy: Cianne Dominguez | Facebook
Bukod pa rito, nakuhanan din ng video ang mukha ng lalaki.
“Good thing that my daughter is strong enough to resist and the suspect ran. My daughter took a video footage of him as he’s escaping,” idinagdag niya.
Sa social media platform na X (Dating Twitter), ikinakalat ngayon ang naturang video ng pagtakas ni Shervey na kung saan nakuhanan ni Cianne bago pa ito kumaripas sa pagtakas mula sa biktima.
Ayon kay Johng, sinubukan tumakbo ng suspect bandang EDSA, ngunit agad naman itong nahuli ng OIC ng condominium. Sa kasalukuyan, si Shervey ay nasa kustodiya na rin ng QC Police District 10.
“Shervey, a.k.a Ronnie Gray, ran along EDSA trying to escape but was captured by the OIC of the condominium. Shervey is now under the custody of QC Police District 10 and facing serious charges,” ayon kay Johng.
Humihingi rin ng dasal ang ama ng biktima para sa kaligtasan nila, lalo na’t mabigat ang trauma na pinagdadaanan ng kanyang anak mula sa nasabing insidente.
Bago maging co-host ng noontime program si Cianne, siya ay naging isang kalahok sa segment ng “It’s Showtime” na “Showtime Sexy Babe.”
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?