KINILALA ni Pope Francis ang mga himala na iniuugnay sa ilalim ng pangalan ni Blessed Carlo Acutis, ang posibleng maging kauna-unahang millennial saint mula sa Simbahang Katoliko.
Inanunsyo ito nakaraang Huwebes ng The Dicastery for the Causes of Saints, base sa naging desisyon ng pontiff. Ang himala, ayon sa Vatican, ay kaugnay ng isang case mula pa sa Costa Rica.
Photo Courtesy: Limang Siglo | Facebook
Ayon sa balita ng Vatican News, isang babae ang nagsagawa ng pilgrimage sa libingan ni Acutis sa Assisi, Italy, upang ipagdasal ang paggaling ng anak niyang babae na naaksidente.
Ang kanyang anak ay nakaranas ng matinding head trauma, at kinakailangang sumailalim sa craniotomy surgery, at matanggal ang kanang occipital bone upang mabawasan ang pressure sa kanyang utak.
Dagdag pa rito, maliit daw ang tyansa na maka-recover o maka-survive sa aksidente ang bata, ayon sa doctor nito. Kaya naman agad na tumungo ang ina sa Assisi noong July 18, 2022.
Photo Courtesy: Limang Siglo | Facebook
Sa mismong araw na nagtungo ang ina, ang kanyang anak na babae ay nagsimulang gumalaw at panandaliang bumalik ang kanyang lakas upang makapagsalita.
Magmula ng araw na iyon, nawala na ang hemorrhoid base sa kanyang CAT scan, at nag tuloy-tuloy na ang mabilis niyang pag galing na nag-udyok sa kanya at kanyang ina para magpasalamat kay Acutis.
Sino nga ba si Carlo Acutis
Si Acutis ay isang teenager na internet at computer-savvy. Siya pumanaw noong 2006 sa edad na 15, dahil sa sakit na leukemia, at na-beatify noong October 10, 2020 ni Pope Francis.
Sa murang edad, si Acutis ay isang relihiyosong bata na laging nagmimisa araw-araw, at mayroong special na debosyon kay Mary. Bukod pa rito, linggo-linggo niyang sinisiguro na siya ay makakapag-confession.
Photo Courtesy: Limang Siglo | Facebook
Malaki man ang oras na binubuhos niya para sa mga makarelihiyosong kasanayan, siya pa rin ay isang tipikal na teenager na mahilig maglaro ng video games, football, at makihalubilo kasama ang mga kaibigan niya.
Ang ina naman nito na si Antonia Salzano, ay ibinahagi na ang anak niya ay ginamit ang teknolohiya upang maging “influencer of God.”
Hiling niya na maturuan ng anak niya ang mga kabataan ngayon na enjoyin ang teknolohiya, habang hindi hinahayaan na mahulog sa masamang butas na dala nito.
“Because he understood that they were potentially very harmful, very dangerous, he wanted to be the master of these means, not a slave,” ibinahagi ni Salzano, base sa naging ulat ng ABS-CBN News.
Bago pumanaw si Acutis, nag-offer siya ng kanyang sufferings sa pope at sa simbahan. Ayon pa sa Vatican, ito raw ang sabi niya: “I am happy to die because I lived my life without wasting even a minute of it on anything unpleasing to God.”
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?