INIISA-ISA pa rin ng lokal na pamahalaan ng San Juan City ang mga indibidwal na nabidyohan na nanggugulo sa kasagsagan ng nagdaang Wattah Wattah Festival sa San Juan City noong Hunyo 24.
At ngayon, ang kanilang atensyon ng kanilang tanggapan ay nakatuon na sa nag-trending na lalaking nakadila’t mapang-asar na binabasa ang isang rider na walang laban.
Si Lester Castro, o mas kilala ngayon bilang “Boy Dila,” ay naging mukha ng Wattah Wattah, sabi ni San Juan Mayor Francis Zamora sa panayam ng GMA. Ngunit, hindi magandang imahe ang iniwan nito.
“Siya ngayon ang bagong mukha ng Wattah Wattah Festival at nakakalungkot at nakakagalit,” sabi ng alkalde, habang ibinabahagi na nais daw nilang makausap ang naturang indibidwal.
“Papatawag ko siya at kakausapin ko siya personally. Sisiguruhin ko na matuto ng leksyon yung masakit na leksyon na maalala niya habambuhay niya para hindi na niya ulit-ulit,” dagdag pa ni Zamora.
@gianrussel30 Happy Fiesta San Juan #fyp #fypシ゚viral #sanjuan #fiesta #tubig #basaan ♬ original sound – gianrussel30
Sinubukan ng puntahan ng kanilang tanggapan ang natanggap na address mula sa iba’t ibang delivery online na nakapangalan sa kanya. Ngunit, hindi ito raw natagpuan sa lugar na ito.
Hinala ng San Juan Mayor na ang mga delivery na ito ay ginagawa ng mga taong galit o hindi natuwa sa kanyang ginawa. Subalit, nape-perwisyo rin ang mga delivery rider na na-bobook nila.
“Kami po muli ay umaapela na ang talagang apektado dito ay mga riders na nagtatrabaho ng maayos at bumubuhay sa kanilang pamilya. Sana itigil na itong pagpapadala ng kahit ano man,” hiling ni Barangay Balong Bato Chairperson Alvin Alonzo.
Hindi pa rin tapos ang usapan sa social media tungkol sa naganap na Wattah Wattah Festival nakaraang Lunes. Marami nga ang naperwisyong napadaan lamang sa lugar na walang awang pinagtripan.
Naglalabas rin ng hinaing ang mga estudyanteng netizens na naperwisyo. Ilang estudyante ang nagbahagi ng kanilang kwento na nasira ang ilang dokumento at kagamitan para sa pag-aaral dahil lamang dito.
Ilang kaso na rin ang naglitawan nitong nagdaang araw, para sa mga residente ng San Juan, pati na rin sa mga dumaan na hindi naging maganda ang ginawang pagkilos laban sa pambabasa.
Kabilang na rito ay ang rider na nasiraan na ng selpon, ay nabatukan pa matapos hindi matuwa sa pambabasa. Habang isang rider naman ang nangsaboy ng muriatic acid bilang ganti sa mga nangbasa.
Patuloy lamang ang lokal na pamahalaan ng San Juan sa pagtugis sa mga indibidwal na malaking perwisyo ang binigay sa mga motorista, commuters, at ibang taong dumaan sa San Juan.
Plano na rin ng San Juan Mayor na magtalaga na lamang ng “Basaan Zone,” o lugar kung saan lamang maaaring magbasaan, upang maiwasan na ang ganitong perwisyo sa mga motorista at commuters.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?