fbpx

Babae sa riles ng LRT-1, nahulog at hindi tumalon

by Bryan Gadingan

IKINABAHALA ng netizens sa social media ang isang babaeng namataan sa riles at pumailalim pa sa paparating na tren sa LRT-1 Doroteo Jose Station sa Maynila, nitong Martes lamang.

Trending sa social media ang nakakatakot na pangyayari kahapon nang mabidyohan ang isang babaeng nakaupo sa gitna ng riles, habang paparating na ang isang tren.

Mabuti na lamang at alerto ang gwardyang nakabantay sa naturang istasyon, at nasenyasan agad ang nagpapatakbo ng tren kaya naman nakapreno ito agad.

Nakapreno man agad ang tren, pumailalim pa rin ang babae at tumama ang ulo sa makina sa ilalim ng tren. Nagtamo ito ng kaunting sugat na dala ng pag-ilalim, ngunit sigurado namang ligtas na ito.

Agad ding dinala ng mga staff ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang babae sa Jose Reyes Memorial Medical Center na pinakamalapit sa nasabing pinangyarihan ng insidente

“The LRMC team was able to respond immediately to assess the passenger status,” malugo na ibinahagi ng LRMC sa publiko, patungkol sa kalagayan ng nasabing indibidwal.

“Per initial assessment, the passenger was conscious and sustained minor injury, and was immediately brought to the hospital and turned over to the proper authorities,” dadag ng LRMC.

Binigyang puri naman ng LRMC ang agarang aksyon na ginawa ng nasabing makinista ng tren na regular umanong nagsasagawa ng pagsasanay sa mga sitwasyong maaaring mangyari habang bumabyahe.

Panandaliang na nahinto ang pagbiyahe nang mangyaribang insidente. Bumalik din naman sa normal na operasyon ang LRT-1 bandang 1 p.m. ng tanghali. 

Dala ng naturang insidente, kinokonsidera na rin ng LRMC na maglagay ng safety barriers upang maiwasan na maulit pa ang ganitong nakakatakot na pangyayari.

Hanggang ngayon, hindi malinaw kung ano ang nangyari. Ilang ulat ang lumalabas sa social media na tumalon ang babae sa riles, habang nilinaw naman ng awtoridad na nahulog ito matapos mawalan ng malay.

Pinapaalalahanan din ang publiko na kapag nahihilo o hindi maganda ang pakiramdam, mas makabubuting ipagbigay alam agad sa mga awtoridad, o maaaring maupo muna saglit hanggang bumuti. 

Ito ay isang paraan lamang upang hindi malagay sa ano mang piligro ang inyong sarili, pati na rin ang mga kasabay sa pagbiyahe ng tren.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.