fbpx
hpg

Asawa ng influencer na ‘nag-hire’ ng HPG Escort, nag-trending

by Bryan Gadingan

Recently updated on June 17, 2024 02:50 pm

HIGHWAY Patrol Group (HPG) for hire? 

Ayan ang naging tanong ng mga netizens matapos mag-trending ang post ng isang VIVA artist at influencer sa kanyang social media account noong June 6, Thursday.

Flinex pa nga sa Instagram story ni Mary Joy Santiago, ang naturang artist/influencer, na nag-hire raw ang kanyang asawa ng HPG para lamang hindi siya ma-stuck sa traffic papunta sa kanyang destinasyon.

Screenshot from: @mrysntgo | Instagram

“How can I settle for less when my husband hired an HPG escort para lang hindi ako ma traffic sa pupuntahan ko? (+ have my own driver and car),” sabi ni Santiago sa kanyang caption.

Naging usap-usapan naman ito ng mga netizens sa iba’t ibang social media platforms, sapagkat ikinagulat nila na pwede palang mag-hire ng HPG para lamang sa mga ganitong bagay.

Isa na nga sa naglabas ng saloobin, at kinondena ang naging post, ay ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Dawn Chang.

“Abuse of power, tolerating wrongdoing, and seeing it as a privilege and a green flag – a recipe for disaster,” sabi ng dating housemate sa X (dating Twitter). 

Bukod sa kanya, maraming netizens ang naglabas ng sama ng loob at ginawang halimbawa ang ganitong pagkakataon kung bakit hindi raw umaayos ang isyung pantrapiko sa ating bansa.

“This is why our traffic issues wont be solved because rich people can get away with being stuck on traffic by pulling these stunts,” komento ng isang netizen sa X.

Matapos mag-trending ang usaping ito, agad na naglabas ng pahayag ang HPG at binigyang diin na hindi raw pinahihintulutan ng kanilang opisina ang ganitong klaseng pangyayari.

“The HPG clearly states that we will not tolerate any involvement in, or endorsement of, escort-for-hire services. Such activities are strictly against our existing protocols and regulations,” sabi sa kanilang official account.

Base sa kanilang pahayag, nasimulan na ang imbestigasyon sa naturang post upang mapatunayan kung totoo nga ba o hindi ang naging salaysay ni Santiago.

“An investigation is already undertaken to determine the veracity of the recent viral posts and misunderstanding related to this matter.”

“We will file the necessary cyber-crime related offenses to those individuals who will post any malicious statements that will malign/tarnish the image of the HPG and the possible criminal and administrative charges for our personnel.”

Sinisiguro naman ng HPG ang publiko na magiging malalim at transparent sila sa magiging proseso ng imbestigasyon, at papaigtingin ang tamang pagsunod sa batas pantrapiko.

Ang ganitong klase post ay tiyak na kagagalitan ng mga netizens, lalong lalo na ng mga commuters, dala ng hirap sa pagbiyahe araw-araw at trapik na nag-iintay sa kanila sa daan.

Follow republicasia on FacebookTwitter, and Instagram to get the latest.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.