fbpx

Alcohol advertising sa kabataan, ikinababahala ng 60% Pinoy

by Bryan Gadingan

Recently updated on July 29, 2024 10:26 am

NAHIHILIG ngayon ang maraming kabataang Pilipino sa alak. 

Bunga ito ng mga patalastas at peer pressure, ayon sa mga eksperto. Talamak kasi ang mga advertisement ng alak mapa-traditional o social media at billboards. Maging sa mga pelikula at musika madalas makita ang mga tagpong umiinom ng alak sa mga kasiyahan at social interactions.

Alcohol advertising sa kabataan, ikinababahala ng 60% Pinoy

Photo Courtesy: Unsplash

Ayon sa mga eksperto, maraming kabataan ang nalululong sa alak dahil nakararanas ng panggigipit sa paaralan o sa kanilang personal na buhay, na maaaring magdulot ng stress at kaya nangangailangan ng ‘escape’.

Pangamba ng mga Pilipino

Base sa pag-aaral ng RESET alcohol program ng Vital Strategies, lumalabas na 60 porsiyento ng mga Pilipino ang nababahala sa epekto ng alcohol advertising sa kabataan. 

Noong Martes, ibinahagi sa isang press briefing ni Nandita Murukulta, ang isyu ng pag-angat ng alcoholism at ang regulasyon nito sa bansa, lalung-lalo na sa kabataan.

“Sixty-five percent of Filipinos agree that alcohol is easy to buy, highlighting the need for stricter regulations on alcohol availability. Sixty percent say that exposure to alcohol advertising encourages to start alcohol use,” sabi ni Murukulta sa ulat ng Inquirer.Net.

Alcohol advertising in the Philippines

Photo Courtesy: Unsplash

Bukod pa rito, pinaniniwalaan din ng mga magulang na ang pagka-expose ng mga anak nila sa alcohol advertising ay maaari rin mauwi sa negatibong pag-uugali.

Dagdag ni Murukulta na 68 percent ng mga Pilipinong magulang o taga-pangalaga ay higit na nag-aalala sa dami ng alcohol advertising na nakikita ng mga kabataan. 

65 percent naman ay naniniwala na pinagmumukhang maganda ng mga advertisement ang alak sa mata ng kanilang mga anak at alagang bata.

Habang 72 percent naman ay nangangamba sa potensyal ng alcohol use ng kabataan sa hinaharap. Kaya naman 64 percent din ay naka-antabay at prinoprotektahan ang mga bata sa posibilidad na ma-expose sa alak.

Layunin ng Vital Strategies

Layon naman ng Vital Strategies ang lalo pang paghigpit ng otoridad sa pagbili at availability ng mga alak. Ayon nga sa kanila, dapat dagdagan ang tax at bawasan ang marketing ng mga alcohol sa bansang Latin America, Africa, at Asia.

Matatandaang ibinahagi rin ng World Health Organization (WHO) ang kanilang pagkabahala sa pagtaas ng gamit ng alcohol at e-cigarette sa mga kabataang edad 11, 13, at 15 sa bansa.

Sabi pa ng WHO, patunay ang mga numerong lumabas sa mga pag-aaral kung gaano kabilis makabili at gaano kanormal na ang pag-inom ng alak sa kabataan, at nararapat na paigtingin pa ng mga bansa ang mga polisiya rito.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.