fbpx
Search
Close this search box.

NBA Playoffs aarangkada na!

by Bryan Gadingan

NATAPOS na ang NBA Play-In Tournament kung saan nakapasok na sa Playoffs ang Miami Heat at New Orleans Pelicans habang parehas wala ang kanilang star players.

Sa Eastern Conference, tinalo ng Heat ang Chicago Bulls, 112-91, kahit pa hindi naglaro si Jimmy Butler. 

Nagkaroon MCL Sprain si Butler mula sa kanilang nakaraang laro kontra Philadelphia 76ers.

Hindi pa rin makakapaglaro si Butler, dahil hindi basta-basta ang kanyang injury. 

Ito ay non-contact injury, kung saan mas magiging delikado kung ipipilit na ilaro.

Gaya ng nagdaang season, kinailangan din matalo ng Miami sa kanilang unang play-in game bago tuluyang makapasok sa playoffs bilang No. 8 seed. 

Pinanungahan ni Tyler Herro ang opensa ng Heat at nagtala ng 24 points, 10 rebounds, at nine assists. Sinundan naman ito ni rookie Jamie Jaquez Jr. na nagdagdag ng 21 points, six rebounds, at six assists. 

Sa Western Conference naman, tinalo rin ng Zion Williamson-less na New Orleans Pelicans ang Sacramento Kings, 105-98, kahit ilang beses pang sinubukan ng Kings na makabalik sa laro.

Si Williamson, gaya ni Butler, ay nagtamo rin ng leg injury sa kanilang laro kontra Los Angeles Lakers. Nagtala siya ng 40 points noong laro na iyon, bago um-exit ng may tatlong minuto pa ang natitira sa 4th quarter.

Sa pagkawala ni Williamson, siniguro ni Brandon Ingram na maiiuwi parin nila ang panalo at nagtala ng 24 points, six rebounds, at six assists. Nagdagdag din si Jonas Valančiūnas ng 19 points, 12 rebounds, at 3 assists.

Hindi naging sapat ang 35-point performance ni De’Aaron Fox at ang 23 points ni Domantas Sabonis, at sila ay mapipilitang umuwi dala-dala ang pagkatalo.

Simulan na ang Playoffs!

Sa ngayon, buo na ang playoff picture ng NBA. Ang maghaharap sa east ay Boston Celtics at Miami Heat, New York Knicks at Philadelphia 76ers, Milwaukee Bucks at Indiana Pacers, at Cleveland Cavaliers kontra Orlando Magic.

Habang sa napakahigpit na west naman ay Oklahoma Thunders at Pelicans, Denver Nuggets at Los Angeles Lakers, Minnesota Timberwolves at Phoenix Suns, at Los Angeles Clippers kontra Dallas Mavericks.

Magsisimula na ang playoffs bukas kung saan ang unang maglalaro ay ang Magic at Cavs ng 1AM, Suns at Timberwolves 3:30AM, 76ers at Knicks 6:00AM, at ang pinakainaabangan na muling pagtatapat ng Lakers at Nuggets 8:30AM.

Isang nagaatikabong playoffs ang inaasahan ng mga NBA fans dala ng higpit sa standings bago matapos ang regular season, at ang patuloy na pagtaas ng level of competition sa liga.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter