fbpx
Search
Close this search box.

Misteryosong siyudad ng Biringan, isasapelikula

by Joanna Deala

ANOTHER thrilling movie from Mentorque Productions will have us on the edge of our seats!

Tampok sa bagong proyekto ng film production company ang misteryosong siyudad ng Biringan.

Matapos ang matagumpay na horror film at 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na “Mallari,” tungkol sa kauna-unahang documented serial killer sa bansa na si Fr. Juan Severino Mallari, latest cinematic project ng Mentorque Productions naman ngayon ang “Biringan.”

Sa “Biringan,” dadalhin naman ng Mentorque Productions ang mga manonood sa hindi nakikitang siyudad, na buhay lamang sa pagitan ng physical at spiritual realms.

“Famed for its advanced technology and ethereal beauty, Biringan has captivated the imaginations of generations, and now, for the first time ever, this legend will be brought to life on the big screen,” dagdag nito.

Ayon sa producer na si John Bryan Diamante, layon ng production house na galugarin pa ang Philippine folklore na hindi gaanong nagagawa sa pelikula sa bansa.

With the success of Mallari, we have learned so much and we’re able to export our vision and craftsmanship to the world,” sabi ni Diamante.

We’re delving deep into the heart of Philippine folklore to present a story that’s both universally appealing and deeply personal. It’s about exploring unknown worlds, but it’s also about the discovery of the self and the power of unseen forces that shape our lives,” paliwanag niya. 

Sa pamamagitan ng “Biringan,” nais din ng Mentorque Productions na gumawa ng pelikulang hindi lang pampasaya sa mga manonood kundi kapupulutan din ng aral at kaliwanagan.

Wala pang detalye sa ngayon tungkol sa cast members, production team, release date, at teaser trailers para sa pelikulang “Biringan.”

Mahiwagang Biringan

Ayon sa mga ulat, ang mahiwagang siyudad ng Biringan ay matatagpuan sa probinsya ng Samar at pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga engkanto, isa sa mga mythical creature sa mitolohiyang Pilipino.

Sinasabing sa iilan lang nagpapakita ang Biringan City kumpara sa mga siyudad sa bansa na madaling maituro sa mapa at mapuntahan. 

Sa isang episode ng magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong 2017, may nakapagturo sa kanila ng lagusan para makapunta sa misteryosong siyudad at isa na umano rito ang old acacia tree sa Pagsanghan. 

Ayon sa mga taong nakapunta na umano sa Biringan, makikita raw dito ang mga nagtatayugan at nagliliwanag na mga gusali. 

Sa 2023 episode ng magazine show, ganito rin umano ang nasaksihan at nakunan sa video ng isang pahinante ng truck. Ayon sa kanya, may namataan siyang nagliliwanag na siyudad sa gitna ng dilim habang bumabyahe siya patungong Allen, Samar.

Sa panayam ng magazine show sa historian na si Dr. Rolando Borrinaga, nagsimula ang mga kuwento sa Biringan City sa Samar noon pang 1880s. Pero para kay Borrinaga, dapat na maipaliwanag nang mabuti ang kasaysayan lalo’t maraming kuwento na ang nagpasalin-salin tungkol sa misteryosong siyudad at napaghahalo na ang kwentong-bayan at kasaysayan.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter